Thursday, December 11, 2008

Walang Wagas na Pag-ibig... Pang-unawa lang!

Buwan ng Sityembre ng halos kada linggo na magkasama sina Goring, Amalia at Linda. Pagsasamang pinagtibay ng paglalakbay at kwentuhang samut-sari. Ni minsan ng buwan yon ay hindi nagtagpo ang tatlo at si Imelda.

Naging abala ang biyudang si Imelda sa kanyang bagong tuklas na pag-ibig. Minsan ng naimbetahan si Imelda sa paglalakbay ngunit sa huling sandali ay kinaelangan niyang ikansela sa kadahilanang kinaelangan nyang ayusin ang parte ng kanyang pusong nangungulila. Bilang kaibigan naging bukas naman sa amin iyon, sa magkakaibigan kelangan mong unawain na bawat isa ay may kani-kaniyang pangangailangan lalo pa't hindi na sila bumabata. Pang-unawa, iyan ang nangungunang sangkap sa mapayapang buhay ng magkakaibigan.

Lumipas ang mga araw at buwan, nagkaroon ng kaguluhan sa barangay bumagsak ang ekonomiya ng buong mundo. Sina Goring, Amalia at Linda ay patuloy pa rin sa pakikipagsapalaran. Minsan nakakatangap sila ng tawag at telegrama galing kay Imelda na nagsasaad na nasa mabuti naman siyang kalagayan. Maka-ilang beses na rin namang napagkikita ni Goring si Imelda sa parke at nagkakakumustahan. Hangang doon lang ang komunikasyon ng apat. Nitong mga unang araw ng Nobyembre, biglang nag-aya si Imelda na lumabas. Kasalukuyang nasa pamamasyal si Goring at Amalia habang si Linda ay kasalukuyang nagagansilyo ng kanyang ireregalo sa pamasko.

Kinita ni Imelda si Goring at si Amalia. Laking gulat ng dalawa na nasa pagdadalamhati pala itong si Imelda. Winakasan na nya ang ilang buwang pag-ibig na animo'y parang wala ng wagas. Maka-ilang buntong hininga sina Goring at Amalia sa nasagap na balita.

Maraming akala ang naglaro sa kanilang isipan. Kung titignan mo ang sitwasyon ni Imelda, hindi mo iisiping nasa ganoong sitwasyon sya. Siguro tanggap na nya ang lahat. Meron bang panghihinayang? Iyan ang mahiwagang katanungang sinagot ni Imelda. WALA. Sambit ni Imelda,

"Kinaelangan kong unang mahalin ang sarili ko bago ko makalimutan ang aking pagkatao."

Wednesday, December 10, 2008

Malamig ang Simoy ng Hangin....

Tuwing sumasapit ng buwan ng mga may "bre", palaging sumasagip sa isip ni Goring ang mga katagang "Malamig ang simoy ng hangin..", katagang sa tinagal nyang nabuhay sa mundo ay palaging puno ng pag-asa, ang pag-asam sa mga panaginip na sana'y mabigyan buhay balang araw.

Unang taon ngayon ni Goring na tuluyang huwag idaos ang nakagisnan niyang kultura. Ninais niyang gugulin ang panahong ito na parang isang ordinaryong araw ng kasiyahan. Kung tutuusin, ganun naman dapat ang buhay, dapat laging masaya.

PAGBABAGO. Sa buhay ng tao, mahirap malaman ang tunay sa nagbabalatkayo lamang. Pero madaling sabihin na may nagbago. Maging bukas palagi sa pagbabago, malay natin heto na ang daan ng tunay na kaligayahan ni Goring at ng sanlibutan! :)

Monday, December 8, 2008

Unang Araw ng Sityembre!

Sa agos ng isang dalampasigan hindi maikakailang may mabilis at mabagal na pagaspas ng tubig papunta sa hindi malamang direksyon. Maihahambing ito sa buhay ni Goring. TAG-LAGAS kung tawagin ni Goring ang panahong ito na kadalasang nangyayari sa ika-apat na kwartera ng taon.

Sari-saring emosyon, kwento ng buhay at pagninilay-nilay ang nagaganap sa panahong ito. Emosyon sa kung bakit hanggang sa ngayon ay wala pa ring kabiyak si Goring. Kelangan ba ni Goring hanapin ang kanyang kapalaran o hayaan na lang ang tadhana ang sumagot at antayin na lang ni Goring kung may darating pa. Kwento ng buhay na sa tinagal-tagal ni Goring na nangibang baryo, kelangan ba talaga ni Goring mangibang barangay ulit upang hagilapin ang kasiyahang kanyang minimithi?

Maraming magagandang pangyayari ang naganap sa buhay ni Goring sa taong ito. Hindi maitatatwang naging mabunga ang pagkakaibigan na naganap kina Goring, Amalia at Linda. Sari-saring paglalakbay, pagtuklas at pamamayagpag ang naganap sa tatlo. Magkaganunpaman, hangad pa rin ni Goring na sana matamasa nya ang kaligayahang ito sa larangan ng pag-ibig at sa trabaho.

Sipag at tiyaga.... Goring.... Sipag at tiyaga......

Ang Barangay... Tatlong Buwang Pagninilay-nilay!

GORING
Parang trumpido ang buhay ni Goring sa nakaraang buwan. Kinaelangan niyang patunayan na kaya nyang mamuhay na nag-iisa. Nagpakalayo siya ng isang buwan upang hanapin ang sarili at upang ayusin ang kanyang napipintong paglipat ng barangay. Alamin ang mga kwento sa panibagong yugto ng buhay ni Goring!

AMALIA
Sa bawat sinimulan may hanganan ang lahat. Ito ang hindi pa rin natutunan ni Amalia sa agos ng buhay. Saksi si Goring sa mga dalamhati at panibugho sa pag-ibig ni Amalia. Si Amalia lang ang makakalutas, siya lang....

LINDA
Walang kupas, patuloy pa rin ang pagning-ning ni Linda sa Barangay at karatig pook. Napakadalisay at walang bahid ng pag aalinlangan ng budhi ni Linda.

IMELDA
Sa bawat wakas, isang kabanata ng buhay ang napipintong magsimula. Winakasan na ni Imelda ang tila umuusbong pa lang na pag-ibig na kabit ay pait. Ngunit matatag si Imelda. Ani Imelda kay Goring " Kinaelangan kong mahalin ang sarili ko bago mapunta sa wala ang lahat".

TRACY
Kung may nagwakas na pag-ibig, tila isa namang pagpapatuloy ang naganap kay Tracy sa barangay. Nakipagbalikan siya sa dati nyang irog. Tila masaya naman si Tracy sa kinahantungan ng lahat. Komento ni Imelda " Hindi sila magtatagal".

DONYA BUDING
Bagong umaga, bagong pag asa. Kasalukuyang nasa La Islas Filipinas ang donya. Minarapat niyang lisanin at ipagbili ang islang kanyang nasasakupan. Nagdesisyon siyang lumipat at bumili ng isla malapit sa mga latino.

VIOLA, OCTAVIO AT JULING
Sumanib sa mga rebelde at kasalukuyang namumundok. Wala ng balita.

Sunday, December 7, 2008

Ang Pagbabalik......!!!!

Sa nakaraang tatlong buwan, minarapat ni Goring magnilay-nilay. Dumating sa puntong kinaelangan ni Goring hanapin ang kanyang sarili at tuklasin ang kanyang kahalagahan sa mundo.

Ano ano ba ang mga nangyari sa nakaraang tatlong buwan?
1. Bumagsak ang ekonomiya ng barangay at ng karatig pook.
2. Nag-alsa ang taong bayan sa kaharian dahilan sa taliwas na pamamalakad ng kasalukuyang administrasyon.
3. Nalibing na ang prinsesa at kinaelangan talagang ibalita ito sa buong barangay.

Ngayon nagbabalik si Goring at ng kanyang mga kwento ng buhay at pakikipagsapalaran kasama ng mga karakter na inyong kinagiliwan. Maki-alam, maki-tsika sa Barangay ni Goring!

Monday, September 15, 2008

Lusing ... Lusing.... Lusing....

Isa sa mga kadahilanang walang masyadong kwento kay Goring e dahil palagi syang kinukulit ni Lusing. Mabait naman na tao si Lusing kaya lang nasosobrahan kung minsan at pagnapuno ka e gusto mo na lang ipokpok ang martilyo sa ulo mo kesa sa kanya para magkapalagayang isip kayo.



Naging malapit ang loob ni Lusing kay Goring dahil na rin sa madaming bagay. Si Goring ang naging taga luto, taga pamalengke, taga pasyal at kung ano anong taga na kung titignan mo e hindi naman karapat dapat. Sa lahat ng ayaw kc ni Goring yong sobrang kabaitan ng isang tao at tila dapat e suklian mo tulad ng mga ginagawang kung ano ano ni Lusing.


Sa magkakaibigang Goring, Amalia at Linda. Hindi ganito ang kalagayan ng pagkakaibigan naging bukas ang isipan ng tatlo at bukas sa kung anong pwedeng pag usapan. Iba si Lusing, kelangan mo syang sakyan kung pwede mo nga syang paliparin e paliliparin mo. Mahilig tumuma si Lusing ng mamamhaling alak kaya naman kapag syay masaya at kung nagkakaproblema ng dahil sa katulong e palagi nyang inaaya si Goring tumuma. Minsan niyaya nyang magpakulot ng buhok libre ni Lusing wala namang magawa si Goring kundi magpakulot rin.

Lahat tayo ay may karapatang pumili. Dyan umiikot ang buhay, ang karapatan mong mamili at hindi pinipilit ng kung sino man. Ito ang unang dapat matutunan ni Lusing na lahat ng tao e marunong mamili at dapat hindi pinipilit. Ang pagkakaibigan ay hindi dapat nakakasakal dapat ay may kalayaan kang sabihin ang iyong saloobin at hindi yong dinidiktahan ka. Palaging sinasabi ni Lusing kay Goring na bata pa raw ang huli at marami pa raw dapat matutunan. Ito ang bagay na ayaw marinig ni Goring. Ang buhay ng tao ay hindi naging batayan ang edad kundi ang iyong pagkatao at kung ano ka at kung papano mo haharapin ang buhay.

Luningning ng Bukang liwayway!

Mag iisang buwang walang balita kay Goring. Kinaelangan ni Goring magnilay-nilay muna at wag munang pagkakausapin ang mga kaibigan. Tuloy tuloy pa rin ang buhay ni Goring ng mga nagdaang araw kahit wala tayong nababalitaan sa kanya.

Sa nakalipas na buwan, nagkaroon ng hindi inaasahang pagtatagpo si Goring at ang dakilang armitanyo. Maraming kwento pero gilalas si Goring sa huling sinabi ng armitanyo. Tila pinanganak raw sya ng dilim at walang sikat ng araw ito ay sa kadahilanang wala raw siyang makitang magpapaligaya ng puso ni Goring. Dali daling tinawagan ni Goring ang Inang nya at tinanong kung anong oras ba sya pinanganak. At pinatotohanan naman ng Inang ni Goring ang sinabi ng armetanyo. Magkaganun man sabi ng Inang ni Goring, siya raw ang nagsilbing luningning ng bukang liwayway!

Tila kumbensido naman si Goring sa sinabi ng armitanyo. Hindi na rin naman sya naghahanap ng makakapiling sa buhay sa kadahilanang tumatanda na sya at mahirap na ngayon ang buhay. Balak ni Goring pagtuonan ng pansin ang kanyang trabaho at kung papano pa sya magiging produktibo rito.

Monday, August 18, 2008

Palengkerang Goring sa Halagang Singkwenta Pesos!

Kahit naman sino, ayaw ng nadedehado. Kahit hindi ikaw ang sangkot, ugaling pinoy, isasangkot mo ang sarili mo. Kapag naman ikaw ang sangkot, ugaling pinoy, para kang si Urduha o si Lapu-lapu, sugod kung sugod.

Nang nagdaang linggo, pinadala si Goring sa isang paligsahan kasama ang mga katutubong bata. Walang magawa si Goring kundi sumunod kahit alam niyang hindi nya maiintindihan ang mga sasabihin doon at hindi rin nya mababasa e pumayag pa rin syang samahan ang mga estudyante. Guro e, yon siguro ang epekto pag pinanganak ka ng Huwebes, araw daw ng mga guro. Kaya naman sa puso at diwa ni Goring, dakila syang guro. Walang kamalay-malay si Goring sa mga pangyayari sa araw na yon. Hinatid sya sa ibang paaralan at ni hindi alam ni Goring kung paano ang pauwi. Naisip nya may di padyak naman sasakay na lang sya doon magbabayad na lang sya kung magkano aabutin ang metro.

Paghatid kay Goring at sa mga estudyante, iniwan na sila ng sasakyan. Maaga pa kaya medyo masaya pa ang mukha ni Goring ng medyo magtanghali na kunot na ang noo nito. Lalo syang nangunot ng asa tanghalian na, walang binigay ni kusing ang paaralan ni Goring sa mga bata pangkain man lang o pambili ng palamig.

Sabihin na nating mayaman nga ang mga katutubong sumali sa paligsahan pero dala ng mga bata ang pangalan ng paaralan mano't bigyan mo naman ng konting pakunswelo man lang. Pinalipas ni Goring ang mga pangyayari. Umabot at natapos ang paligsahan ng alas singko ng hapon. Umuwing luhaan ang grupo at dismayadong dismayado naman si Goring sa kinahinatnan ng paligsahan. Hindi man lang nakapuntos ang mga batang karay karay nya. Ang tanong ng mga bata kay Goring " Madame papano ka uuwi?" sagot naman ni Goring "Aba syempre sasakay ako, bakit kayo hindi ba kayo binigyan ng paaralan ng pamasahe?" sabayang sagot ng sampung batang kababaehan " HINDI PO". Ay nagpanting ang tenga ni Goring, tinawagan nya ang lahat ng taong pwedeng tawagan sa paaralan, ni isa walang sumagot. Kahit si Amalia na walang kamalay malay na napagsabihan nya ng sama ng loob.

Lunes. Unang araw ng linggo at unang araw para makita ang mga taong kinauukulan matapos ang insidente. Masayang nag-umpisa ang araw ni Goring pero alam nyang makakatikim ng talim ng dila ang mga taong sangkot sa kahihiyan at kawalanghiyaang natamo nya. Nang makita nya ang taong nagpadala sa kanya. Abot tenga ang ngiti ng guro sabay sabing " Ay pakikuha nga pala ang singkwenta pesos na bayad sa iyo dahil sinamahan mo ang mga bata". Ayon sa regulasyon ng paaralan, estudyante o guro singkwenta pesos lang ang matatangap mo, TANONG NG BAYAN... MAKATARUNGAN BA ITO?

Bira ni Goring "Hindi ko tatangapin ang singkwenta pesos na yan, kung gusto mo itulong mo na lang sa mga pulubi pangkain nila! Para mo akong sinampal, nalalaman mo ba ang mga pinagsasabi mo?"

Hindi pa natatapos dyan ang litanya ni Goring, tanghaling tapat kinausap nya ang pinuno nya sa departamento at sinabi nya ang saloobin nya. " Kung magpapadala kayo ng mga bata at guro sa isang paligsahan siguraduhin nyong hindi maagrabyado ang mga nagpunta. Isa pa hindi nyo alam pumili ng mga isasali, walang kwenta dapat hindi na lang tayo lumahok dahil talagang kahiya-hiya!"

Isa isahin natin ang litanya ni Goring:

1. Walang binigay na programa bago pumunta. Kelangan ni Goring ng programa dahil kelangan nyang intindihin muna ang lahat. Para yang pupunta ka ng digmaan na walang bala, mamamatay ka na nga lang wala ka pang laban.

2. Sabi kay Goring, ihahatid at hindi na susunduin pauwi. Naintindihan yon ni Goring pero hindi nya maatim ang mga batang walang kasama. Iwan kung nagiisip ba ang paaralan. Kung ang inahin nga pag nabasa ang sisiw nililimliman sila ng ina ako pa kaya. Turing ni Goring sa mga bata ay mga anak na ito.

3. Buong maghapon ang paligsahan at buong hapon na asa maiinit na kwarto ang lahat. May nagutom, nauhaw pero tiniis yon ng lahat tapos SINGKWENTA PESOS? Aba sampal gusto nila?

4. Walang balak tangapin ni Goring ang anumang bayad mula sa paaralan, ito ay bilang protesta sa ginawang kabalbalan sa kanya.


Matapos nyang maglitanya sa pinuno nya, hindi pa natatapos ang lahat. Nakasalubong nya pauwi ang pinuno ng Akademya. Nagkaroon na naman ng "Maalaala mo Kaya"

Lumabas ang pagka maldita ni Goring. Walang ka urba-urbanidad. Walang magtutulak na gawin yon kung hindi naman kinanti si Goring. Ayon nga ng isang kasabihan... LINTIK LANG ANG WALANG GANTI! Si Goring pa e dating AMASONA!

Sunday, August 17, 2008

Apat Dapat?

Nang nakalipas na buwan, napag usapan nina Goring, Amalia, Linda at Lusing na magluto at sila sila rin lang ang kakain. Si Lusing ang nagsabi na sa palasyo na lang gawin ang pagluluto dahil siguro naisip nya kumpleto sya ng kasangkapan na sinang ayunan naman ng tatlo. Iyon ang "Araw ng mga Ina". Sa kadahilanang si Lusing lang ang may asawa sa kanila, minarapat na rin nilang ipagdiwang at bigyan ng pagpupugay si Lusing. Nasa paglalakbay ang kanyang dakilang asawa.

Wala namang ginawa si Lusing kundi buksan ang kanyang aparador at bigyan ng kung ano ano sina Goring, Amalia at Linda. Hindi naman maka hindi ang tatlo kasi dapat pag binigyan ka dapat tangapin mo ng bukal sa loob. Kahit hindi mo magagamit, dapat tanggapin.

Sari-saring kwento ang madidinig mo kay Lusing. Mula sa kanyang mga kapatid, hanggang sa asawa hangang sa namayapa nyang ama. Kung hindi ka sanay sa kanya sasabihin mong may problema sya. Medyo naging bukas lang ang loob ni Lusing sa tatlo dahil na rin siguro sa wala nga syang makausap at ang papalit-palit na emosyong meron sya.

Napansin ni Goring. Ang dila ni Lusing parang sintron ni Hudas, pagnasindihan mo putok na lang ng putok. Hayaan mo lang syang magkwento ng magkwento yon ang kanyang kasiyahan. Nababagabag si Goring sa ganoong sitwasyon. Kelangan ni Lusing maghinay hinay at matutong makinig. Hindi palagi sya ang bida. Sa umpisa, medyo maaaliw ka sa mga kwento pero pag tuloy tuloy medyo nakakabagot at parang nakakasakal na rin.

Hindi alam ni Goring ang saloobin nina Amalia at Linda. Kinimkim nya lang ang mga saloobin. Parehong barangay galing ang apat ngunit sina Goring at Lusing ay nasa iisang eskineta medyo magkalayo nga lang ang bahay.

Abot-abot naman ang pasasalamat ni Lusing at binigyan daw sya ng pagkakataon na makasalamuha at mapabilang sa magkakaibigan. Naisip tuloy ni Goring, mukhang kakailanganin yata ng tanong ng bayan at tawag sa telepono kung gagawin syang kasapi ng kulto. :)

Sino si Lusing de Maantala?

Maka- ilang araw ng nakalipas ay parating walang pasok sa barangay ni Goring. Kaarawan ng kamahalang ina ng mga katutubo at buong barangay ay sarado sa kalakalan. Minarapat ni Goring na mamahinga lang sa bahay dahil nagtitipid ito at huwag na lang lumabas para maiwasan ang anumang balak bilhin. Hangang sa nakatangap siya ng tawag mula kay Lusing.


Sino si Lusing? Lusing de Maantala ang buo nyang pangalan. Kababayan ni Goring na ang napangawasa ay isang nagngangalang Uncle Bob, isang mangangalakal. Tatlong taon na naninirahan si Lusing sa barangay ngunit kamakailan lang sila nagkakilala ni Goring sa isang pagtitipon. Magmula noon naging bukas na ang palitan ng usapan. Mahilig mag imbeta si Lusing ng kainan sa kanyang Mansyon. Makailang beses na ring naimbetahan sina Goring, Amalia at Linda sa nasabing kainan. Wala namang espesyal na okasyon gusto nya lang magkainan at lagi sya ang taya.


Nang makatangap ng tawag si Goring, sabi ni Lusing gusto daw nya ng inuman. Naimbetahan nya na si Linda hindi malinaw kung pati si Amalia e nasama sa usapan. Nang magkita-kita ang grupo sa mansyon ni Lusing, wala si Amalia. Si Amalia ay kasalukuyang may kinakalantaring lalake kaya hindi nakasama. Inuman ang tatlo sa buong magdamag hangang sa mag-aya si Goring na doon na lang sa Mansyon ni Lusing matulog. Biglang sabi ni Lusing "Huwag tayo dito matulog, doon na lang tayo sa palasyo". Walang tulak kabigin sina Goring at Linda kundi sumunod na lamang dahil na rin sa kahayukan ng dalawa sa alak.


Ang palasyo ni Lusing ay nasa tabi ng ilog. Isang gahiganteng tore na kung makailang palapag at sa umagay matatanaw mo ang silaw ng tubig sa ilog at masasaksihan mo ang takim silim sa hapon. May katulong si Lusing na isang katutubo.


Naisip ni Goring masarap tumira sa palasyo dahil pagising mo ng umaga nakahanda na ang paligo mo sabay kain ng umagahan tapos kililing lang ang katapat ang katulong nasa tabi mo na. Kala ko sa mga palabas ko lang matutuklasan ang mga pagka insulares. Paalala minsan ni Lusing kay Goring, huwag daw inaalala ang katulong kasi kakain daw yan pag gutom. Namimihasa raw pag medyo maaalalahanin ka. Sa puntong iyon, may naalala si Goring. Hindi nagkakalayo ang ugali ni Lusing at ni Dra. Belen sa pagtrato ng katiwala sa bahay.


Si Goring ay may malambot na puso sa mga katulong o hindi kaya katiwala. Pero sabi nga nila, iba iba ang ugali ng tao hindi dapat magkumpara.


Kinabukasan, tanghaling tapat na ng magising ang tatlo. Wala namang pasok dahil nga kaarawan ng ina ng mga katutubo kaya minungkahi ni Lusing na mamalagi na lang sa palasyo at magtampisaw sa ilog, kumain, manood, maglagay ng kung ano-ano sa mukha at mamahinga lang. Walang nagawa sina Goring at Linda kundi sumang-ayon sa suhestiyon. Nang nagdaang gabi pa kwento ng kwento si Lusing ng kung ano-ano at tila kelangan nya ng makakausap.


Araw ng mga tamad! Yan ang nangyari sa tatlo, walang ginawa kundi kumain, magpaganda at mahiga.

Si Lusing ay palamunin at ni walang trabaho. Palaging asa palengke gastos dyan gastos dito. Hindi naman nya nakakakwentuhan ang katulong. Nasambit nya minsan kay Goring " Asa sa akin na ang lahat at wala na akong mahihiling pa". Pero kung iisipin, walang katorya-torya ang buhay ni Lusing. Maaaninag mo sa isang tao kung hangin lang ba ang sinasabi nito o galing ba sa kaibuturan ng kanyang puso. Makikitaan mo ng lamlam sa mga mata si Lusing. Nag ambisyon minsan si Goring ng buhay na tulad ng kay Lusing pero ng makita nya ang sitwasyon, hindi ganitong buhay ang pinangarap ni Goring. Pangarap nyang mamuhay ng may saya, ng may kulay at higit sa lahat kuntento sa kahit anong meron ang buhay.

Saturday, August 9, 2008

Nahimasmasan na ang Ulirat ni Goring!

Mag-iisang linggo ng wala sa larawan si Goring. Akala ng iba'y namamahinga lang sya o baka naman marami lang siyang ginagawang trabaho sa eskwelahan. Kahit ang mga tsismosa nag-aalala kung bakit parang hindi nila napagkikita si Goring.

Nitong nakaraang linggo kakatapos lang ng isang mahiwagang kabanata ng pangkalawakan. Nangyari ang pagdidilim sa barangay Tsina ngunit kahit sa pangkatauhan ni Goring ay tila may nagbago rin sa kanya sa hindi nya maipaliwanag na pangyayari.

Nitong nakaraang lingo rin, nagbukas ang inaabangan ng lahat. Ang pagbubukas ng "palarong bayan" kung saan sa barangay Tsina gaganapin. Lahat inaabangan. Lahat nakatutok. Si Goring deadma. Hindi sya yayaman sa pangyayaring kada apat na taon lang kung maganap.

Magkagayunman, nasulyapan ni Goring ang ilang mga pangyayari sa telebisyon ng kapitbahay. At tunay sa inaasahan niya, walang kamangha-mangha sa mga nangyari. Dinaan lang nila sa dami ng ilaw na kung sa titignan mo e asa panahon tayo ng pagtitipid ng likas yaman. Nadaan rin ang pangyayari sa kulay na kung titignan mo e parang isang bahag-hari. At higit sa lahat, dinaan nila sa paputok. Paputok dyan at doon, naisip ni Goring magiging malinis pa kaya ang simoy ng hangin pagkatapos ng pagbubukas ng palaro.

Kinabukasan, pumasok si Goring sa trabaho.
Heto ang naging paguusap nina Goring at Selya, kasamahan sa trabaho.

Selya: Napanood mo ba ang pagbubukas ng palaro?

Goring:Nasulyapan ko ang pagbubukas at hindi ko sya nagustuhan. Sa dami ng mga sinabi ng pinuno ng barangay Tsina ukol sa pagdiriwang magiisip ka ng isang pagdiriwang na masaya, may ngiti, o asa isang mundo ka ng mahika kung saan lahat nagtipon-tipon para sa kasiyahan, walang takot o pagaalinlangan."

Selya: Huh?! Saan ka makakakita ng isang barangay sa Asya kung saan pagkakagastusan ang ganung kagarbo na palabas. Kahit sa barangay ng Greyego at ng mga Australiano e wala sa kalingkingan nila ang naging palabas. Makikita mo doon ang kultura ng barangay Tsina.

Nag-isip si Goring. Sino ba sa atin ngayon ang hindi nakakakilala sa kultura ng Tsina?

Goring: Maganda sa kung maganda ang palabas. Pero hindi mo makikita roon ang tunay na diwa ng laro. Makikita mo ang mga mukha ng mga nagsipag-palabas. May mga takot. May mga alinlangan. Kahit mga bata wala kang makikitang kasiyahan sa kanilang kamusmusan.

Biglang nahinto ang kanilang paguusap dahil sa pagdating ni Chichay sabay sabing " Hindi ko na tinapos ang palabas kasi napakatagal, huli na tinawag ang la islas pilipinas."

Nagmuni-muni si Goring. Kung hindi siguro nagpalapad ng papel ang barangay Tsina, hindi naman sya mag-aasam ng isang kamangha-manghang palabas.

Liham Para sa Ina ni Goring

Sa pagdiriwang ng "Araw ng Mga Ilaw ng Tahanan" na sinabay sa kaarawan ng reyna ng barangay, minabuti ni Goring sumulat sa kanyang ina. Matagal tagal na ring hindi nakapagpapadala ng liham si Goring.

Ito ang liham ni Goring sa kanyang ina.

Minamahal kong Ina,
Pagmulat sa mundo'y
ika'y aking nasilayan,
Unang yakap
aking naramdaman.
Haplos ng iyong mga daliri'y
nagbigay sigla sa isang munting buhay,
Tamis ng iyong ngiti'y
nagbigay ng liwalas sa aking mundong dalisay.
Unang sambit, lahaw ng iyak
iyo'y unang natuklasan,
Unang hakbang, unang yapos
iyo'y nasaksihan.
Umaga'y kay ganda
pag kita'y aking nasisilayan,
Habang yakap-yakap si Itay
na kaakit-akit pagmasdan.
O kay sarap, o kay ganda
ang lingap ng kadakilaan
Salamat sa'yo INAY
na Ilaw ng aming Tahanan.
Laging Nagmamahal,
Goring

Sunday, August 3, 2008

SEKS ( Sakim, Erotika, Kisap-mata, at mga Sandali)

SAKIM...

Simula na naman ng isang Sabadong walang katorya-torya. Isang balita mula sa la islas pilipinas ang bumungad kay Goring, MGA REBELDENG MUSLIM BINIGYAN NG SARILING KALAYAAN. Matagal ng nagkakagulo sa kinatimugang bahagi ng la islas pilipinas at dahil ayaw harapin ng batutang gobyerno ang problema minabuti na lang nilang bigyan ng sariling kalayaan ang mga SAKIM at nag-aalsang rebeldeng muslim. Para lang matigil, binigyan ng gobyerno ng sariling estado na kanilang patatakbuhin at upuan sa mga organisasyong kinabibilangan ng la islas pilipinas.

Walang magawa si Goring kundi ang mapabuntong hininga at nawa'y nakikita pa rin nila ang daan sa isang mapayapang solusyon rito.

EROTIKA...

Natapos ang araw ng Sabadong pagod dahil na rin sa kinaelangan ni Goring pumunta ng paaralan dahil sa walang kakwenta-kwentang pagpupulong ng mga katutubo. Kinaumagahan, Linggo, walang magawa si Goring kaya minabuti nyang pasyalan si Amalia. Kasalukuyan namang nagmumuni-muni si Amalia ng kanyang datnan sa tinitirhan kaya hindi pa ito nakakaligo ng datnan niya ng alas-once ng tanghali. Napag-usapan ng dalawa na manood na lang ng sine, ang palabas "Isang Taong Walang Pag-ibig". Isang kwento ng kabaklaan na maririnig mo sa salitang espanyol. Hindi kinaya nina Goring at Amalia ang kwento dahil na rin sa tahasang pananakit habang nagnanaig ang dalawang lalake at sa EROTIKANG kwento nito. Ito ang isa sa madaming paraan nila para magparaos sa tawag ng laman. Pagkatapos ng palabas, inimbetahan ni Goring si Amalia na maglakad-lakad na lang muna sa palengke dahil mahaba pa ang araw. Nag-ikot ikot ang dalawa sa palengke habang dakdakan ng dakdakan sa mga panlalait sa mga dumadaan.

KISAP-MATA...

Dahil na rin sa kapaguran ng paglalakad sa palengke, minabuti ng dalawa na umupo na muna at magpahangin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita kong napaKISAP-MATA si Amalia. Nakita namin ang kanyang dating nobyo na hindi na natin pwedeng banggitin ang pangalan dito kasi DATI na yon, wala na sya sa sirkulasyon. Masayahing kausap ang dating nobyo kaya lang may kasama. Ang kasama nya ay ang (basahin mabuti) ang dating nobyo ng nobyo ni Amalia. Masaya ang mga pangyayari dahil nagkita kita ang mga nakaraan at kasalukuyan.

SANDALI...

Ang mga SANDALIng ito ang nakapagbibigay ng kulay sa buhay ng mga tao sa barangay. Minsan mapapansin mo ang kasakiman at kagahaman ng mga taong hindi mo maisip kung ano nga ba ang tunay nilang pinaglalaban. Hindi na bago ito. Naging kultura na ito ng mga nilalang na kelangan nilang bigyan pansin. Sa kabilang banda, hindi mawawala sa tao ang mga paksang may pagka-erotika ang dating. Dito mo makikita ang imahinasyon ng mga nilalang at kung paano nila gawing kasabik-sabik at kung paano rin nila babuyin na dumadating sa kahindik-hindik at nakakatayong-balahibo ang pakikipagtalik. Ang lahat ng ito'y pwede mong masaksihan sa isang kisap-mata, na ang katotohanan at kulay ng buhay ay nasasaksihan!

Friday, August 1, 2008

Minsan ang Minahal ay Ako

Ano na lang, yong isang sandali na makatikim ng pagmamahal,
matapos ang luhang ipinagpalit ang sandali di naman magtagal,
ang yakap mo'y hahanap-hanapin akala ko ang mundo na ay akin,
ngunit hindi pala ganyan kay bilis makalimutan na minsan ang minahal ay ako.

Ano na lang, yong kaunting pasakit kung katumbas ay pagmamahal,
pagibig mo ay aking langit kahit buhay ko ay handang isugal,
ang tinig mo'y aking aawitin habang ako'y kakailanganin,
at kung ako ay iyong saktan ito ma'y gagawing dahilan pagkat minsan ang minahal ay ako.

Ang lingap mo'y hahanap-hanapin sa entabladong minsan ay sa akin,
at kung ako ay malimutan, kahit sa awit mo man lamang,
iyo sanang matandaan bago tuluyang lumisan,
na minsan ang minahal ay ako


Mula sa titik na nilapatan ng tugtog ni Ginoong Ryan Cayabyab at binigyang buhay sa boses ni Binibining Celeste Legaspi

Isa sa mga nakakahiligang gawin ni Goring ay ang makinig at umindayog sa modernong tugtog. Habang naghahalungkat sa kanyang bayong kung saan naging gamit nya sa paglalakbay patungong barangay mula sa las islas pilipinas, nakakita sya ng isang makalumang plaka kung saan dali-dali nyang pinagtugtog at isang kundimang kanta ang pumukaw pansin kay Goring. Ito ay ang kantang may titulong MINSAN ANG MINAHAL AY AKO.

Nitong mga nakaraang buwan, nagkaroon ng bukas na palitan ng telegrama ang dati'y manliligaw na si Abu at Goring. Si Abu ay isang mangagamot at tatlumpot apat na taong gulang. Noong asa las islas pilipinas pa si Goring, palagi nilang binabangka ang ilog pasig para mamasyal sa Luneta. Hindi maramdaman ni Goring noon kung ano ba ang tunay na pakay ni Abu sa kanya. Sa mga panahong iyon ay kasalukuyang kumukuha ng pagkadalubhasa si Abu sa medesina kaya hindi madalas ang kanilang pagkikita. Kahit papano ay nahulog rin naman ang puso ni Goring ngunit napangunahan sya ng kanyang pagiging dalagang pilipina at huwag maging agresibo sa nararamdaman.

Ngayong nagkaroon ulit ng tulay ang kanilang naudlot na pagmamahalan, ngayon lang nalaman ni Goring na sya lang daw ang naging seryoso at ang minahal ni Abu ng tunay. Nanghinayang si Abu ng hindi masabi kay Goring ang totoong nararamdaman ng harapan. Kung mabibigyan daw ng pagkakataon ay handa raw si Abu dugtungan ang makulay na nakaraan na sa kanya'y pakiwari magwawakas sa tunay na pagibig.

Tumaba ang puso ni Goring ng labis labis dahil kahit papano MINSAN ANG MINAHAL AY AKO at hindi lumilimos palagi ng pag-ibig!

Wednesday, July 30, 2008

Ang Pag-iisa…

Apat na araw ring tumuloy si Dra. Belen Magpa-ubaya kay Goring. Naging mabunga ang apat na araw na iyon sapagkat maraming natutunan at natuklasang bagay si Goring. Isa-isahin natin:

Una, sa apat na araw na pamamalagi biglang nagkaroon ng pangugulila sa pamilya si Goring. Hindi mo maiaalis kay Goring ang mag-alala kay Dra. Belen dahil nakatira ito sa kanya. Palagi nyang iniisip kung kumain na ba ito, nasan na ba ito ngayon o hindi kaya baka nawala na sya sa barangay. Hindi masamahan ni Goring si Dra. Belen sa lahat ng lakad nito dahil siya ay may trabaho. Pero labis ang naging pag-aalala ni Goring.

Pangalawa, naisip ni Goring kelangan nya ng maghanap ng makakasama sa buhay. Iba talaga kung may kinakasama ka. Kelangan mo ng kausap, tagapakinig, o hindi naman kaya’y isang masasandalan sa hirap o ginhawa. Naisip ni Goring kung papano kaya ang mag-antay sa iyong minamahal sa dis-oras ng gabi at magtatalak at sa pagising mo naman ay yakap-yakap mo sya at sabay mag-aagahan.

Pangatlo, iba rin pala ang nararamdaman mo pag may nadidiskubre kang bago. Sa pagkakaakala ni Goring alam nya na ang pasikut-sikot sa barangay pero isang Dra. Belen lang pala ang makakasama nya para madiskubre kung ano ang isa sa siguro maraming sikreto ng barangay.

Pang-apat, masarap talagang may kasama sa hapag-kainan tatlong beses isang araw. Naiiba ang kwentuhan sa hapag-kainan kesa sa kwentuhan sa labas kasama ng mga kaibigan, katrabaho at iba pang taong nakakasalamuha mo lang.

Magkagayunpaman, ang pamamalagi ni Dra. Belen ay nagbigay ng ibang sigla kay Goring. Siglang huhugutin ni Goring upang patuloy na makipagsapalaran sa buhay at planuhin ang dapat gawin sa mga susunod na araw. Ang buhay ay parang isang patentero, dapat marunong kang dumiskarte at mabilis mag-isip kung ano ang susunod na hakbang. Pagnasagip ka, tapos na ang laro at kelangang ulit-ulit para makamit ang tagumpay!

Ang Talipapa at mga Talipandas… bow!

Nitong mga nakaraang araw naging abala si Goring sa pag-istema kay Dra. Belen Mapag-ubaya. Si Dra. Belen ay siyang tumatayong kanang kamay ni Donya Buding. Hindi ko pa nakakausap itong si Dra. Belen pero nababangit na ito sa akin ni Amalia ng maka-ilang beses na may dadating daw na bagong salta sa barangay. Hindi naman ito gaanong pinansin ni Goring sa kadahilanang baka isa lang sya sa mga taong pumapanhik paloob at niyuyurakan ang imahe ng barangay.

Unang kita pa lang kay Dra. Belen, maaninag mong mabuting tao ito. Isa syang mananaliksik ng sining sa isang sikat na unibersidad sa Pilipinas. Naghahanap sya ng matutuluyan, ani Goring doon na lang sa kanya mamalagi. Ito ang tunay na ikasisiya mong maging Pilipino. Kahit asa ibang barangay ka pag Pilipino ka, bibigyan at bibigyan ka ng importansya at kahit papano ay aasikasuhin. Naging bukas naman sa suhestyon si Dra. Belen sa kadahilanang makakatipid nga naman sya.

Unang araw ni Dra. Belen, inilibot sya ni Amalia, Imelda, Linda at Goring sa Talipapa sa Tabing Ilog. Doon ang bagsakan ng mga lilukan ng mga palayok at kung ano ano pang kasangkapang gawa sa pinong putik. Makikita mong medyo maganda at maayos pa ang lugar sa kadahilanang malayo ito sentro ng sibilisasyon. Hindi pa ito gaano nadidiskubre ng mga dayuhan. Madaming mabibisita sa tabing ilog tulad ng mga templo, kapihan, karinderya sa gilid ng ilog at syempre ang walang kamatayang pagmamasid ng mga lalake.

Kinagabihan, naglibot si Dra. Belen, Amalia at Goring sa sentro ng barangay. Nagkwentuhan ng mga kaganapan sa Pilipinas at kung gaano na kamahal bumili ng daster at bakya. Naunang umuwi si Amalia kaya dalawa na lang silang lumibot sa sentro. Namamangha si Goring kay Dra. Belen. Dahil madami itong alam sa buhay at dahil na rin sa nalaman nyang mas makati pa si Dra. Belen kesa sa kanya.

Sa tinagal-tagal na inilagi ni Goring sa barangay, akala nya napuntahan at nadiskubre nya na ang lahat ng dapat idiskubre sa barangay. Pero nagkamali si Goring. Marami pa syang hindi napupuntahan at natutunan tungkol sa mga sekreto ng barangay. May pinuntahan silang isang sayawan na lahat ng sumasayaw e nakahubad. Tago ang lugar kaya hindi mo gaanong pansin pero ang nakakapukaw pansin sa lugar ay ang mga lalakeng animo’y kargador ng semento sa lalaki ng katawan nila. May paniniwala si Goring dati na pag malaki at maskulado ang katawan mo maliit ang kargada pero hindi pala totoo yon. Mahahaba ang mga batuta ng mga kargador at napaka kasual kung sila ay magkikilos na nakahubad. Namangha at gilalas na gilalas sina Dra. Belen at Goring. May kanya-kanyang pakulo ang mga tao sa lugar. Mga pakulong nakapag-iinit ng iyong kepyas. Umuwing masaya ang dalawa, ang isa’y ibinahay ng panandalian ng isang instik at ang isa nama’y kumuha sa mga mananayaw para sya aliwin. Sa bahay na nagkita ang dalawa at nagkwentuhan kung ano ang mga karanasan nila ng gabing yon.


TANONG NG BAYAN: Kanang kamay ni Donya Buding si Dra. Belen Mapag-ubaya. Kung makati si Dra. Belen, gaano kaya kakati si Donya Buding?

Friday, July 25, 2008

KULTURA

Sa tinagal-tagal na pamamalagi bilang guro ni Goring sa Barangay, ngayon lamang siya sinabihan ng punong-barangay na mag-aral ng KULTURA para magkaroon ng lisensya sa pagtuturo. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na hindi totoong guro itong si Goring. Pero dahil sa pabagu-bagong panukala ng pamahalaang barangay e kelangan ka talagang sumunod.

Ano ba ang dapat mong matutunan sa KULTURA? Ultimong kahit si Petra na isa lang dakilang tsismosa at mamamahayag sa Barangay e kinaelangang matututo ng KULTURA. Kesehodang isang dekada ka ng namamalagi sa Barangay e kelangan mo pa ring matuto at magkaroon ng papeles na naglalaan na nag-aral ka ng KULTURA.

Isa itong kahibangan, kababuyan at puno ng kaplastikan saad ni Goring. Isang paraan upang pagkakitaan ng Barangay sa kadahilanang maraming taga ibang lugar and dumadayo sa Barangay para maghanap ng pagkakakitaan. Pero hindi tamang gamitin ang sitwasyong ito upang gawing "pakatasan" lalo pa't walang malinaw na batayan sa kung sino ang dapat sumali at sa kung ano ang dapat pag-usapan.

Sa unang araw ng pagpupulong, pinag-usapan ng mga delegado ang tungkol sa mga Batas ng Barangay. Sa higit isang libong araw na pananatili ni Goring sa Barangay at pagbabasa ng dyaryo at komiks, kahit papano naman e may alam si Goring sa Batas na pinaiiral sa lugar. Syempre sa kadahilanang dayuhan sya sa lugar, kelangan ni Goring kumuha ng papeles para gawing legal ang pamamalagi nya sa Barangay. Ang tagapag salita sa araw na iyon ay walang iba kundi isang pinoy at hindi katutubo ng lugar. Sa isip ni Goring..."Ito'y isang malaking sirkus!".

Ang pagpupulong ay tatagal ng tatlong araw, unang araw pa lang ng pagpupulong ay alam na ni Goring na mababagot na sya at nag-isip na sya ng gagawin kung papano labanan ang kabagutan. Sa unang araw, walang pagpapakilalang ginawa. Ang mga delegado ay nagmula sa iba't ibang barangay na syempre e may iba't ibang kultura. Tagalog at ingles lang ang madidinig mo sa loob ng kwarto. Unang ginawa ni Goring e ang magsararili, hindi sya nakihalubilo sa mga Pinoy dahil alam nya kung papano ang ugali ng pinoy kung nagsama-sama lalo pa't iisang eskwelahan lang ang pinanggalingan ni Goring at ng ibang pinoy. Sila ay maiingay at kung minsay nawawalan ng delikadesa. Kahit sa hapagkainan, pinili ni Goring huwag sumalo sa mga kasamahang pinoy.

Komento ni Chichay, mas magagaling daw ang pinoy sa mga ibang dayuhan dahil pagnagsalita daw ang ibang delegado at hinihingan ng komento sa isang bagay wala naman daw saysay ang mga pinagsasabi nila. Umiral na naman ang kahunghangan ni Chichay, isip-isip ni Goring. Si Petra naman akala mo alam ang lahat at palagi syang may tanong. Hindi mo alam kung nagpapapansin lang sa mga lalakeng dayuhan o talagang ganun na sya.

Sa ikalawang araw ng pagpupulong, ito na ang araw kung saan sinimulan ang pag-aaral tungkol sa KULTURA. Unang aralin tungkol sa sinasakupan ng Barangay. Isip-isip ni Goring para syang asa unang baitang ng paaralan at kinaelangan nyang matutunan kung ilang tao ang asa Barangay, saan nagmula ang tao, ultimong mga puno at prutas e kinaelangang pag aralan kung saan nagsimula. Sa walong oras na pagpupulong, naka sampung tasang kape, apat na boteng tubig, at sampung beses na bisita sa palikuran si Goring. Idagdag mo pa ang paghihikab nya ng kung ilang beses dahil sa kung ano ano ang pinagsasabi ng isang katutubo na tagapagsalita ng ikalawang araw. Matatapos din ang araw na ito, isip isip ni Goring!

Medyo nabuhayan lang si Goring ng dugo ng pagusapan na ng mga delegado ang kultura ng ibang lugar at ikumpara ito sa Barangay. Ito ay hindi direktang pagkukumpara ng la islas pilipinas o ng ibang dayuhang barangay sa Barangay. Pero dahil magaling ang mga pinoy, palaging nasasambit ang la islas pilipinas at sila na rin ang nagsimula ng isyung diskriminsyon. Isang kahalayan ang ginawa ng aking mga kababayan. Hindi ba nila naisip kung gaano kasensitibo ang paksa na iyon. Hindi malaman ni Goring kung saan patutungo ang usapan pero naisip isip ni Goring masaya ang mga pangyayari kasi nagkakaroon ng kulay ang pagpupulong. Hinintay nyang magkaroon ng bakbakan pero wala namang kaguluhang naganap.

Sa huling araw ng pagpupulong ay ang pagaaral ng mga katutubong sayaw, pagaaral ng linguahe at ang pagkanta ng kantang pambarangay. Ipinapasa Diyos na lang ni Goring ang kaganapan sa huling araw. Positibo ang pananaw ni Goring dahil pagkatapos ng pagpupulong e magiging normal na ang buhay nya. Magkikita kita sina Goring, Amalia at Linda, sila ay naibitahan sa isang magarbong kainan na iilan lang ang pinalad na makasama dahil ang iba ay hindi SOSYAL!

Tuesday, July 22, 2008

Ang Paglalakbay!

Huling naglakbay ang magkakaibigang Goring, Amalia at Linda noong Mayo. Nagpunta ang tatlo sa tabing-dagat. Paglalakbay na iyon na matatawag sa kadahilanang kelangan nilang sumakay ng kalisa ng ilang oras para makarating sa tabing dagat. Bago pa nangyari ang paglalakbay na ito e nakilala na ni Goring sa mga panahong iyon si Dodong, ang misteryosong lalake sa takip-silim.

Masaya si Goring kasi, ito yong panahong sumibol ang bagong pag-asa. Naging masaya ang tatlo sa nasabing biyahe.

Nitong buwan ng Hulyo medyo pinalad ang tatlo at apat na araw silang walang pasok maliban kay Linda na tatlong araw lang ang bakasyon. Wala namang problema si Linda kasi medyo hawak naman nya ang oras sa trabaho.

Napagisipan ng tatlo na bisitahin si Donya Buding. Si Donya Buding lang naman ang namamahala ng buong Isla Tirador. Ito ay dating kuta ng mga rebeldeng nagbalik-loob at sumuko na sa pamahalaan. Nakatira si Donya Buding sa isang malaking tore kung saan sya ang nakatira sa tuktok nito kita ang buong Isla Tirador.

Hindi naging madali ang paglalakbay ng tatlo. Kinaelangan nilang tawirin ang bundok at mamangka sa dalampasigan ng ilang oras. Nakarating na si Goring sa dating kuta ng rebelde at namangha sya sa lugar. Hindi pa nya kilala noon si Donya Buding.

Nang imbetahin ni Donya Buding ang kaibigang si Amalia, naisip nyang isama sina Linda at Goring. Paalis na kasi sa lugar si Donya Buding. My binili syang isang isla sa baybayin ng Pasipiko at kinaelangan nyang mamalagi doon para tignan ang kanyang ari-arian.

Maganda ang lugar, ipinasyal ni Donya Buding ang tatlo at namangha sila sa pagbabago ng lugar. May mga nakatirik pa ring bahay na sa kung ilang daang taon na ang edad. Ang lugar ay animong bakas ng nakalipas na may timplang modernong sining.

Walang ginawa ang tatlo kundi mamangha sa mga pasilyo, hardin at ang luntiang kulay ng paligid. Isang animoy birhen sa kalagitnaan ng karagatan na kung masilayan ng isang binata'y mabibighani at mabibilanggo sa angking alindog at mayuming pagkatao.

Dalawang araw rin ang inilagi ng tatlo sa isla. Nagkaroon rin ng salu-salo kasama ng mga katutubo sa lugar.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa kanilang paglalakbay pabalik hindi naging maganda ang panahon. Pagtawid ng karagatan, kinaelangan ng tatlo na lakbayin na lang pabalik at harapin ang masamang panahon. Naglakad ang tatlo at binaybay ang pabalik sa barangay.

Magkagayunpaman, nasiyahan ang tatlo sa ginawang pakikipagsapalaran pabalik ng barangay. Lalong hindi matapos tapos ang mga kwento tungkol sa Isla Tirador at ang mga masasayang ala-ala sa piling ni Donya Buding.

Ang Lalake sa Takip-silim...

Kung walang magpapaloko... wala ring maloloko! Ito ay isang mabigat na kasabihan na sa ayaw man natin at sa hindi e talagang may katotohanan.

Si Goring, sa dinami-dami ng kanyang karanasan sa lalake. Hindi na mabilang ang pait ng nakalipas at kung ilang timba na ng luha ang kanyang iniyak. Matagal-tagal na rin na may kinahuhumalingang lalake si Goring. Itago natin sya sa pangalang DODONG. Ang katotohanan dito e hindi pa alam ni Goring ang tunay na pangalan ni Dodong pero makailang beses na rin silang nagkita ngunit hindi nagkausap. Magdadalawang buwan na ring bukas ang linya ng dalawa sa paguusap at iyon nga lang nakakapag usap ang dalawa pagsapit ng takip-silim. Parehong abala sa trabaho ang dalawa kaya walang oras para magkatagpo.

Gustung-gusto ni Goring makipagkita kay Dodong. Handa siyang iwan ang trabaho alang-alang lang kay Dodong ngunit medyo naging mailap si Dodong. Palagi silang nagkakausap at palaging nararamdaman ni Goring ang pagka simpatiko at maaalalahanin ni Dodong. Hanggang sa nahulog na ang loob ni Goring kay Dodong.

Ito ang kabaliwan ng pag-ibig. Dahil na rin sa kapusukan ni Goring nahulog ang loob nya kay Dodong. Magaling magtago ng emosyon si Goring, hindi nito pansin ng barkada sa kadahilanang naniniwala si Goring na malamang ito na ang sagot at kalutasan ng matagal nyang hinahanap. Ang bagong PAG-IBIG.

Ilang linggo na rin na hindi nagpaparamdam si Dodong. Nag-alala si Goring. Kinaelangan ni Goring na itigil ang mga nakasanayan nyang gawin. Ang makipag pen-pal, eyebol at SOP. Dumating sa punto na medyo kinaelangan ni Goring magbago. May pagkarebelde pero matatag pa rin ang kalooban at alam kung ano ang gusto.

Napag isip-isip ni Goring na kelangan nya ng putulin ang kahumalingan nya kay Dodong at kung saan pa ito mapunta. Kelangan lang nyang makausap si Dodong sa huling pagkakataon.

At dumating na ang oras, biglang nagparamdam si Dodong. Walang kamatayang kumustahan at kung ano ano pa ang nangyari. Sa dulo ng paguusap ng dalawa, pinutol ni Goring si Dodong at ito'y nagpaalam na. Sinabi ni Goring na kinaelangan nyang putulin ang anumang naguugnay sa kanila sa kadahilanang wala naman itong patutunguhan. Sinabi ni Goring na pag tatawag pa ulit si Dodong hindi na nya ito kakausapin subalit sa panahong aksidente silang magkita sa daan ibubukas nya ang pinto ng kanyang puso at sisimulan ang bagong pakikipagkaibigan kay Dodong. Tinangap ng maaliwalas ni Dodong ang desisyon ni Goring. Binigyan nya ito ng isang alaala at sinabi kay Goring na isa-isip nya ito lagi at ito ang gagabay sa mga adhikain nya sa buhay.

Mabuhay ka Goring! Sa lahat ng mga ginawa nyang hindi maganda sa buhay natuto na si Goring sa realidad.

Isang Dodong, (na sa hinagap e hindi pa nya nakikita ng personal), lang pala na nakilala nya sa takip-silim ang makapagpapabago ng lahat sa buhay ni Goring!

Sunday, July 13, 2008

Bagong Umaga... Hinagpis ng Damdamin...

Dahil na rin sa kalasingan... umuwi si Goring na naka-pedekab. Hindi nya na kayang maglakad kaya napilitan syang sumakay. Buti medyo mabait naman ang driber at hindi sya pinagsamantalahan. Sa panahon ngayon, mahirap magtiwala. Pero kahit papano may mga mababait pa namang taong natitira. Pagdating ni Goring sa bahay, bagsak sya sa kama.

Kinabukasan, kinaelangan ni Goring magising ng maaga. Kelangan nyang maglinis ng bahay, magdamo sa hardin, mamalengke, at maglaba. Pero wala syang nagawa kasi bagsak pa rin siya sa kama. Bandang alas-nuebe na ng umaga sya tumayo at kinaelangang magkape. May kelangan syang kitain na estudyante.

Habang naliligo, biglang naalala ni Goring si Amalia. Ano na pala ang nangyari sa kanya. Hindi na sila gaano nakapagusap ng nagdaang gabi. Dali-dali nyang tinapos ang paliligo at biglang tinawagan si Amalia.

Malungkot si Amalia. Hindi sya nakatulog ng nagdaang gabi. Ito ay hindi dahil sa nangyari kay Goring kundi dahil sa kalalakihan. Sa magkakaibigan, lalake lang naman ang dahil kung bakit nababagabag ang isa sa kanila. Hindi naging maganda ang lakad ni Amalia kaya pala sya sumunod kay Goring. Si Amalia pagnagkaroon ng problema kelangan nya lang ng ispasyo, bigyan mo sya ng oras para pagnilayan ang nangyari, atsaka ka na lang magtanong.

Kinahapunan, nakipagkita si Goring kay Amalia. Nakasama sa pagkikita si Tracy. Mukhang medyo maayos naman ang hitsura ni Amalia ng makita ni Goring pero bakas pa rin ang lamlam ng kanyang mga mata. Maaninag mong meron nga syang problema. Isang tunay na kaibigan si Amalia, kahit may dinadamdam ito, nagtanong pa rin sya kung kumusta na si Goring. Na labis namang ikinataba ng puso ni Goring. Nagkwento naman si Goring kung papano sya nagising at kung papano lumipas ang araw nya. Pagkatapos magkwento, nagtanong sya kay Amalia kung ano ba talaga ang tunay na nangyari. Sinegundahan naman ito ni Tracy. Dahil noong nagdaang gabi bago nakipagkita kay Goring si Amalia e nangaling pala ito sa bahay ni Tracy.

Nagkwento naman si Amalia. Umasa si Amalia pero hindi nya naman iyon naging kasalanan. Kung titignan mo ang sitwasyon, medyo may kasalanan ang lalake dahil hindi man lang ito nagparamdam. Nag-antay ng wala si Amalia. Pero siguro may kadahilanan naman kung bakit nangyari ang lahat.

Maya-maya ng konti, nakatangap si Amalia ng mensahe mula sa lalake at humihingi ng paumanhin. Medyo nabuhayan ang loob ni Amalia. Sa buhay naman ng grupo, kung lalake ang nagdudulot ng hinagpis, sila rin ang nagdudulot ng kasiyahan. Pero may alinlangan pa rin si Amalia. Siguro kelangan lang nila magusap ulit ng lalake.

Lumipas ang oras ng tatlo sa pagkain ng halo-halo tapos pumunta sa isang kapehan. Kwentuhan, kwentuhan at wala na namang patumangang kwentuhan. Medyo pagod pa rin si Goring ng mga oras na iyon pero kahit papano nabawasan ang pagaalinlangan nya kay Amalia. Malakas ang loob ni Amalia. Ambon lang ito sa buhay nya!

Ang Tumaderang si Goring!

Si Tonyang isa sa kapatid ng estudante ni Goring ay naisipang syang imbetahang lumabas. Sabi ni Tonyang siya daw ang taya kaya hindi na nag atubili pa si Goring agad syang pumayag sa imbetasyon.

Hindi kilala ni Goring si Tonyang ng personal kaya hindi nya alam kung ano ang mga hilig nito sa buhay. Nagulat na lang si Goring ng pumunta sila sa isang lugar kung saan may mga lalaking nagsasayawan ng hubad. Hubad at wala talagang saplot sa katawan. Iwan ba ni Goring kung tama ang naging desisyon nyang sumama, hindi na sya makapalag ng mga panahong yon kasi hinablot na ng isang lalaki ang kamay ni Goring sabay pasok sa loob ng lugar.

Hindi mo naman masasabi si Goring na isang babaeng walang kaalam-alam sa buhay. Naranasan nya nang makapasok sa ganung lugar ngunit hindi ganun ka agresibo ang dating. Siguro hindi lang napaghandaan ni Goring ang tagpong iyon. Habang nasa loob, walang patumangga si Tonyang sa kaka hingi ng alak para sa grupo. Apat silang pumasok sa lugar. At wala namang magawa si Goring kundi laklak ng laklak ng alak dahil medyo ninerbyos ang dalaga.

Madaling nalasing si Goring sa kadahilanang hindi sya nakakain ng hapunan. Medyo maingay na sya at haplos na ng haplos sa kung sinong lalake ang dumaan sa kanyang harapan, Hindi nya na napigilan pa ang sarili. Dumating sa puntong may isa na syang lalaking kainuman sa iisang kupeta. Ito ang unang pagkakataon na nangahas si Goring. Pagkakataong alam nyang hindi na rin mauulit kaya tinodo nya na ang lahat.

Hindi pa nakuntento ang grupo lumipat pa sila ng ibang lugar. Kinaelangan nilang magsaya at sumayaw. Doon na nawala sa sarili si Goring hanggang sa umabot na mawalan sya ng katinuan. Buti na lang sumunod sa panahong yon si Amalia. Si Amalia na ang umagabay kay Goring kasi ang mga kasama nito ay umuwi ng maaga. Dumating sa punto na kinaelangan ni Goring manatili sa palikuran ng dahil sa sakit ng kalamnan at dahil na rin sa pagsusuka.

Isang karanasang maituturing at doon mo lang talaga malalaman kung papano magmahal ang tunay na kaibigan. Medyo nasobrahan ng kalasingan si Goring buti na lang andyan si Amalia. Ni hindi na nga natanong ni Goring si Amalia kung bakit napasugod ito sa lugar dahil ang alam ni Goring may lakad si Amalia. Magkaganunpaman, abot abot ang pasasalamat ni Goring kay Amalia. Nasambit nga ni Goring kay Amalia, pag may nakilala si Goring na lalake ibibigay na muna nya ito kay Amalia. Lalake ang nakapagpapasaya kay Amalia!

Ang Labanan sa Tirad Pass!

Biyernes na naman at walang magawa si Goring. Ito na kasi ang huling araw nya ng pagtuturo kasi sa susunod na linggo e pagsusulit na ng mga bata. Masaya si Goring kaya naisip nyang lumabas at magpakasaya kahit papano. Sanay naman si Goring lumabas mag-isa ngunit mas ninais nyang makasama ang mga kaibigan nyang matalik kaya wala syang ginawa kundi ang ayain niyang lumabas sina Amalia at Linda. Napagkasunduan ng tatlo na manood na lang ng sine.

Ang palabas: Ang Labanan sa Tirad Pass. Isang palabas ng digmaan noong sinaunang panahon. Medyo nagandahan si Goring sa estilo ng labanan, kung papano nagsimula ang digmaan ng dahil sa kasakiman at higit sa lahat ang mga gwapitong mga aktor na gumanap. Dalawa lang ang babaeng may papel sa pelikula pero maganda at nagampanan naman nila ng maayos ang karakter. Ito ang una sa tatlong serye na ipalalabas.

Nakasama ng tatlo si Tracy. Isang hitad na galing sa barangay kung saan marami ang tupa kesa sa tao. Nakilala ni Goring si Tracy ng dahil kay Amalia. Masayahin namang kasama si Tracy iyon nga lang kung anu-anong kwento patungkol sa mga kalalakihan ang iyong madidinig. Minsan naisip ni Goring, pumunta ba sa barangay si Tracy para mag aral o para lang magp_ _ _ . Pero kasi hindi mo rin masisisi si Tracy, ang barangay ni Goring ang daungan ng mga taga ibang barangay ng dahil sa mga kalalakihan. Ito ang hindi gaanong mainitindihan ni Goring, lahat nagkakandarapa samantalang sya e keber. Iba lang talaga siguro ang panlasa ni Goring.

Masaya naman ang naging gabi ng apat. Kwentuhan, kwentuhan at walang patumangang kwentuhan. Ito yong araw na ikasasaya mo dahil sa isang linggong pagtratrabaho, makasama mo lang ang mga kaibigan ng ilang oras parang buhay na buhay ka na naman para sa susunod na linggong pagiging alipin sa trabaho.

Friday, July 11, 2008

Ang Kamison ni Octavio

Pinakikilala si Octavio!

Kaibigang matalik ni Viola at noong una'y napagkamalan ni Goring na magkalaguyo. Si Goring kung minsan maraming pinakikialamanan pero sa madalas e nagkakatutuo ang mga kutob nya. Pinanganak ata syang may nunal sa ilong at naaamoy na malansya. Malapit lang talaga ang dalawa. Medyo naamoy ni Goring na may iba kay Octavio. Minsan ng tinanong ni Goring si Octavio kung bakla ba sya, mariin ang sagot nyang lalake sya. Masyado syang paminta. Hindi mo alam kung umaakto ba syang barako o harap nya lang at sa gabi e nakasuot ng kamison.

Kung susuriin mong mabuti, hindi naman masama ang hitsura ni Octavio medyo maliit nga lang. Hindi sya katulad ni Goring at ni Imelda na pinagpala sa katangkaran. Mahilig mag internet si Octavio, natuklasan nina Goring at Imelda na pinangangalandakan nyang katangkaran e 5'10. Susme kung ganun sya katangkad ano na lang ang masasabi mo kina Goring at Imelda, higante?

Palaging nakakasabayan nina Goring at Imelda ang magbespren na si Viola at Octavio sa sayawan. Mahihilig si Octavio ng mga taga ibang barangay. Iyon bang kulay na pag nilagyan mo ng konting kulay sa mukha e magmumukha ng bangkay. Paglumalabas silang magkakaibigan sa sayawan doon din lang nakakapagsuot si Octavio ng kamison. Bilin kasi ng nanay nya magsuot palagi ng kamesita.

Minsan kung titignan mo, parang mas babae pa kung umasta itong si Octavio kesa sa tatlong kasama. Nakapilantik ang mga daliri, may polbo ang mukha at higit sa lahat may kulay ang kilay sabay sayaw ng pandango sa ilaw o d kaya itik itik.

Magsasaka si Octavio at sa edad na bente siete e wala pa syang asawa o kalaguyo. Minsan nakita ni Goring sa kapehan at may kasamang gwapong lalake, lumapit si Goring at kinumusta sila. Matindi ang ismid nya kay Goring halos ayaw nya itong kausapin. Hindi na lang pinansin ni Goring ang pagtatagpo.

Ang hindi maintindihan ni Goring kay Octavio e bakit kelangan pa nyang ilihim ang tunay nyang pagkatao. Bakit kelangan pa nyang ilingid sa lahat ang kanyang tunay na pagkatao. Hindi mo maaarok ang kasiyahan sa buhay kung hindi mo tatangapin ng buong puso sa iyong kalooban ang sinisigaw ng iyong puso at damdamin. Kelangan mong iwaksi ang mga alinlangan sa buhay at maging masaya kung sino ka man.

Kaya kelangan.... SUNUGIN na ang KAMISON ni Octavio!

Thursday, July 10, 2008

Pangungulila...

Pagkatapos ng pagpupulong at pakikipagplastikan kay Petra, naiwan si Goring na nagiisa sa opisina. Kinaelangan ni Goring umuwi ng maaga dahil medyo inaantok sya sa dami ng ginawa nya sa buong araw at dahilan na rin sa sarap ng panahon. Maghapong umaambon at malamig ang panahon.

May naalala si Goring, anong petsa ngayon? Ika-sampu na ng Hulyo at isang buwan na rin ng huli syang nakisiping sa isang lalaki. KATAKOT! Bakit ang tagal, kung dati rati e halos araw-araw kung magkaroon, ngayon bigla na lang ang pagbabago! Kasalanan ito ni PETRA hindi na sana maiisip ni Goring e kung anu-ano kasi ang mga pinagkwekwentong mga kahalayan.

Pero kung titignan mo ang istorya ni Goring sa mga lalake, hindi na bago ang kalagayang ganito. Merong minsan, tatlong buwang alang siping tapos bigla bigla na lang nakaka dalawa o tatlo sya sa isang araw at kung minsan sunod-sunod na araw yon sa isang linggo. May dapat bang ikabahala? Kung titignan mo wala naman dapat ikabahala, iyon e kung gumagamit si Goring ng "mahiwagang supot".

Sa halos lahat ng nakasiping ni Goring, nubenta porsyento walang mahiwagang supot. Maswerte pa rin sya at hindi sya nabubuntis gayong malusog naman ang kanyang hipyas. Siguro nagkataon lang na lahat ng halos isang daan na lalaki na dumaan sa buhay ni Goring ay BAOG. Pero ngayon natututo na si Goring, palagi syang pinagagalitan ni Amalia at ng buong barkada.

Medyo nangungulila lang naman si Goring ngayon malamig ang panahon at medyo nakadama ng poot ng malaman nyang si Amalia ay kasalukuyang nahuhumaling sa mga kalalakihan. Alam nyo naman ang mga babae mahilig magkwento ng kalalakihan. Magkagayun man masaya naman si Goring kahit papano, hindi mo lang naman kasi maiiwasang isipin ang mga dati mo ng nakagawiang gawin!

Ang TANOD sa Barangay ni Goring!

Kilalanin si Petra! Ang taong walang kaingit-ingit sa katawan! Walang kagandahan, kunwari alam ang lahat, palaging may sentimyento sa buhay at dakilang TANOD sa barangay ni Goring!

T- Talangkera't Tsismosang
A- Anyong
N- Nono na
O- Opisyal ng
D- Dyaryo

Sya lang naman ang namamahala ng kung ano-anung kwento may maibalita lang sa publiko. Takbuhan ng mga pulitiko, mga artistang hindi alam umarte at mga artistang sikat na at gusto lang maisulat sa pipitsuging dyaryo mag ingay lang.

Sa sinamang palad naman nakatanggap si Goring ng isang sulat galing sa pinuno ng eskwelahan at inatasan syang magsulat ng artikulo na lalabas sa dyaryong "Ang Sigaw". Kinaelangan daw ng bagong mukha at konsepto ang dyaryo kaya humingi si Petra ng tulong mula sa larangan ng edukasyon at si Goring ang naatasan.

Pangarap ni Goring maging isang sikat na sikat na modelo, iyon bang laging nasa ibang bansa at at rumarampa. Ni wala sa kanyang hinagap na magiging guro sya lalo pa ang maging isang manunulat. Ano naman ang kanyang magiging kontribusyon sa pagsusulat. Pero dahil na rin sa inatasan sya ng walang iba kundi ang pamunuan ng eskwelahan wala syang magawa kundi ang sumang-ayon.

Nagpulong-pulong ang pamunuan ng editoryal upang pagusapan ang susunod na paglalathala ng dyaryo. At nalaman ni Goring na sa taong ito ay ika-pitumpong taon na anibersaryo ng dyaryo. Nangangahulugan na malaki ang responsibilidad na gagawin. Si Petra ang syang namuno ng pagpupulong. Halos matulog si Goring habang nakikinig sa pagpupulong. Kung naging lalake si Petra, isa syang mahadirang multong bakla na binabato na lang ng saging ng kung sino.

Ang edisyon ng dyaryo ay selebrasyon ng pagtuntong ng pitong dekada ng nasabing pahayagan. Pagpupugay sa mga taong nakapaligid sa pagsikat daw (?) ng dyaryo. Sabay sabi ni Petra, lalagyan daw nya ng artikulo tungkol sa kalikasan(?), pulitika (?), at ang ibang pang balita tungkol sa pangkalawakan (?).

Si Goring alam nya na paglumabas na ang dyaryo hindi sya bibili nito. Pagtapos ng pagpupulong lumapit si Petra kay Goring. Nangungumusta, naku alam na ni Goring kung ano ang sadya nito. Maya-maya ng konti nagtanong na si Petra, "Naku kumusta na ang mga kalalakihan mo Goring?" Medyo sanay na si Goring sa linyang pagtatanong na ganyan ni Petra, respeto na lang ang binibigay nya kay Petra sa kadahilanang para na syang nagmumurang kabebe sa gilid ng dalampasigan. Malayong matanda na si Petra sa lahat ng pinoy na nakilala nya sa Barangay. Mahirap ang tumandang nagiisa at walang kinakasama lalo pa at hindi ka na gaanong mabenta sa mga kalalakihan.

Minsan bigla na lang tatawag si Petra nalulungkot daw sya at parang wala na daw syang libog sa katawan. Ano naman ang kinalaman ni Goring sa kalibugan ni Petra? Pag naman masaya sya tatawag yan bigla at ikukwento ang mga bago nyang pinamili o hindi kaya ang bagong kalalakihang nadampot nya sa kung saan.

Kung minsan madadama mo rin naman na may puso si Petra lalo na kung may mga bagong salta na pinoy at kelangan ng matutuluyan. Iyon nga lang medyo may pagkatsismosa at gusto palaging asa balita ang pagtulong nya sa kapwa.

Hindi naman takot tumanda si Goring dahil alam nyang lahat naman ng tao e tatanda .... ang kaba lang naman nya e pagtumanda ng paurong. Huwag naman sana syang matulad kay Petra!

Wednesday, July 9, 2008

Urduja, Gabriela, Tandang Sora... Tres Marias

Lumipas ang matagal na panahon ng pagkakakilala ng magkakapitbahay sa Barangay ni Goring. Lahat sila nagkakilala sa iisang barangay. Si Viola ay sampung taon ng naninirahan sa barangay at may kung ilang taon na rin ang iba. Dayuhan sila sa simula ngunit tinuring nilang parang tahanan na ang lugar. Sa panahon ng kasiyahan, kalungkutan, damayan, inggitan... sila sila pa rin ang magkakasama.

Sa grupo, si Goring, Amalia at Linda ang palaging magkasama sa lakaran, panonood ng sine, pamimili at kung ano ano pang ginagawa ng mga kababaehan pag sabado at linggo. Kung minsan si Goring ang taga kulot ng mahaba at madulas na buhok ni Amalia. Minsan si Goring ang taga ayos o taga komento kung tama ba ang suot na damit ni Linda. Taga linis din si Goring ng kuko sa paa at kamay ng dalawa. Ginagawa ito ni Goring hindi dahil sya ang katulong kundi dahil nakasanayan na.

Sa tatlo si Amalia ang elitista na makamasa. Siya ang namumuno sa lokal na museo sa Barangay. Lumaki sa gilid ng dalampasigan, isang pulitiko ang ama at dakilang maybahay ang ina. Sya ang model sa grupo. Gusto nya palaging nasa rampahan ngunit palaban. Si Linda naman ang biyahera, kung saan saan nagpupunta. Manghuhula kasi at mahilig mangulekta ng mga sulatin tungkol sa mga bituin at araw. Masayahing tao at laging handa sa lahat ng lakaran. Siya ang sikat na tagapayo ng kapalaran ni Imelda, Amalia at ni Goring!

Kung sa trabaho nagsasawa si Goring sa mga kwento ng buhay buhay ng kung sino, iba naman ang tagpo pagkasama nya ang dalawa. Paguusapan nila ang bagong labas o ipapalabas pa lang na sine, maglalakad-lakad sa isang sikat na kapehan sa barangay o hindi naman kaya paguusapan ang mga bagay bagay mula sa kung papano lumabas ang manok sa itlog hanggang sa sino na ang pinakasikat na modelo ngayon sa balat ng lupa.

Ito yong kwentuhang kahit abutin kayo ng bukang-liwayway o takipsilim ng sumunod na araw e hindi ka mababagot. Kasi may laman ang usapan, iba! Pagnagsama na sina Goring, Amalia at Linda, wala nang panama si Darna!

Tuesday, July 8, 2008

Kwentong Kutsero- Ikalawang Kabanata!

Sa buhay ni Goring, ang pakikipagkumpol-kumpol sa kapwa nya katutubo sa trabaho e kung minsan nagiging isang malaking trahedya. Kung minsan iisipin mo, "Bakit ganito sila mag-isip?". Normal lang naman sa tao na pagkinanti ka ng kapwa mo e kelangan bumwelta ka rin. Lalo na ang Pinoy mahilig sa bweltahan!

Isang balita ang aming natangap habang nasa hapagkainan ng tanghalian. Ang sabi, " Bakit may mga Pinoy na napunta sa eskwelahan pagdating ng Sabado at Linggo.?"(E, ano ngayon?) Syempre iisipin mo may nagsumbong kasi may nakakita, tama? Hindi naman bigla-biglang hinulaan at sinabi na Pinoy sila. Ang masama kasi sa balita nadugtungan. Heto ang kasunod, " Gumagamit ng internet pag Sabado at Linggo!"

Si Goring nag-isip. Kung hindi patama sa iyo ang sumbong na iyon at sa palagay mo wala ka namang ginagawang masama, ang dapat gawin PATAYMALISYA! E ang kaso may mga matitinding komentaryo sa mga taong tinamaan. Ang sabi ni Eula, "Bakit naman ako pupunta pa ng eskwelahan para gumamit ng internet e ang bagal-bagal ng koniksyon rito. Isa pa gumagawa ako ng mga aralin ng mga bata." Akala ko si Goring na ang pinakadakilang guro sa eskwelahan meron pa palang iba. Nagsigunda naman itong si Velma, "Naku ang dami-daming gagawin sa bahay maglaba magluto mamalantsa tapos pupunta ako dito sa eskwelahan dahil kapag Lunes hanggang Biyernes hindi ko magawa kasi ang mga bata labas masok sa kwarto ng mga guro". Samakatuwid gusto rin nyang maging huwarang guro. Sige pagbigyan na.

Sabay sabi ni Eula at Velma, "Naku ang nagsumbong e iyong taga linis ng kwarto ano ang pakialam nya para magsumbong hindi naman nya nakikita ang ating mga ginagawa." Alam mo naman ang pinoy kampihan hanggang sa dumating na sa pangkalahatan sabi ni Chichay " Naku ganyan talaga ang mga nasa kabilang Barangay, pag may nakita sila pinalalaki nila. Masama ang ugali!".

Aba! Aba! At saan naman nakuha ni Chichay ang kanyang saloobin? Alam ba nya ang mga pinagsasabi nya? Mabait at huwaran si Chichay, ano sa palagay nyo?

Noong hindi pa yumayaman si Goring, palagi rin naman syang nasa eskwelahan ng Sabado at Linggo. Kung minsan gumagawa siya ng aralin dahil wala naman siyang computer sa bahay. Pero sa madalas, pumupunta sya para magbukas ng internet at kung minsan makipagchat. Wala namang masama kung sasabihin mong gumagamit ka ng internet at gumagawa ng takdang aralin para sa susunod na linggo. May mababawas ba sa iyo? Iyan ang mga saloobin ni Goring....

Balik sa kwento, kung titignan mo ang sitwasyon, hindi dapat pumasok ang paksa na dahil taga ibang lugar o dahil pinoy. Lahat tayo e may kamalian at wala yan sa pinanggalingan. Lahat tayo ay gustong pumapel, minsan naman dinadaan na lang sa estado.. ako guro ikaw taga linis, hindi tayo magkapantay. Langit ako lupa ka. Iyong mga ganuong reaksion ba. Palagi rin nakakabangga ni Goring ang mga taga linis at palagi nya itong pinagsasabihan. Si Goring naman palaging nakakarinig ng pangungutsa dahil maingay daw sya at matakaw kumain. E ano ngayon? Pataymalisya o d kaya pandilatan mo silang lahat!

Tungkol naman sa paggamit internet pag walang pasok, kung iisipin mo may karapatan ang eskwelahan na pagbawalan kahit sinoman ang pumasok sa kadahilanang nagtitipid ng kuryete at gasolina. Pero nakakatakot ang panahon ngayon, matatapang ang mga alipin kesa sa mga Amo hahahaha.

Tamang gawin ng mga natamaan e magsilbing aral sa kanila ito. Kelangan nilang humingi muna ng pahintulot. Tandaan may mga alituntunin tayong sinusunod at pag sumunod ka naman ng tama wala namang magiging problema.

Pagbabalik Tanaw sa Tanikala!

Si Goring ay ipinanganak sa lungsod ngunit lumaki at nagkamulat sa probinsya. Masayahin ang buhay ni Goring noong bata pa hangang sa sumapit ng sekondarya. Medyo naging malupit ang kanyang ina sa pagpapalaki pero hindi ito naging balakid sa kanyang mga pangarap. Sumali sya sa sari-saring patimpalak para lang may patunayan. Lumaking alam kung ano ang gusto sa buhay.

Masayahin naman ang buhay ni Goring. Masaya na pamilya na kumakain ng tatlong beses isang araw, pag sinuswerte naman may meryenda pa na kasama. Hindi nga lang naranasan ni Goring makipaglaro sa mga kaibigan dahil sa sobrang lupit ng kanyang ina. Palaging ang kalaro nya ay ang kapatid na lalake na palaging nakikipagsuntukan sa kanya. Ni hindi sya nakahawak ng manika pero magkaganun man alam naman nya ang hitsura ng manika at sumayaw at kumimbot.

Nagsimula ang buhay ni Goring ng sya ay mapadpad sa Maynila upang magaral ng kolehiyo. Dito nya natutunan ang lahat. Ang makipaghalikan kahit ala kang boypren, ginagawa ng iba bakit hindi nya magawa hindi ba? Naranasan rin nyang makipag-eyebol sa mga hindi kakilala. Marami syang ginusto na napasakanya. Iyong panahong yon ang mga masasayang araw ni Goring.

Mas naging mapusok si Goring ng magtapos sa kolehiyo. Sa mga natutunan nya sa radyo at telebisyon, pwede ka palang makipagtalik na hindi ka nabubuntis. Doon nagsimula ang paiba-iba ang kanyang nakaka-naig. Merong araw na nakakadalawa sya at wala syang pakialam, doon sya masaya at sa kanyang pakiwari e masarap ang kanyang ginagawa. Kung titignan mo naging haliparut si Goring.

Kinailangan ni Goring magtrabaho at mabuhay ng sarili. Kelangan nyang lumipat ng lugar at magsimula ng panibagong buhay. Talikuran ang alaalang naging bahagi ng kanyang pagiging matibay na tao.

Meron bang pagsisisi si Goring sa kasalukuyan? Wala. Masarap baliktanawin ang mga alaalang minsan hindi mo maiisip na iyong magagawa. Sa tinagal ng buhay sa mundo ni Goring, mapapansin mong nalasap nya na ang dapat nyang malasap. Pag ibig lang ang sadyang mailap kay Goring. Mapapasaan ba't makakahanap rin sya ng lalaking luluhod sa kanyang harapan at magsasabing "Ikaw ang buhay ko, Mahal kita Goring!"

Monday, July 7, 2008

Ang Tamis ng Tagumpay!

Lahat tayo ay nagbalak maging isang huwarang mamamayan kahit naman papano. Iyong isang kapitbahay ko balak nya maging modelo, bakit naman hindi kung kasing payat mo ba naman si Wilma Doesnt, pwede! Iyong isang kapitbahay ko naman medyo mababaw lang daw ang pangarap nya pero huwag ka nagtatago sya at ayaw nya lang ipangalandakan na isa rin syang inggitera! May kapitbahay naman ako na kung makita ko ay parang minsan lang sa kabilugan ng buwan kasi masyado syang maraming trabaho. Nabalitaan ko nga medyo masakit pa sa kanya ang pakikipagdiborsyo nya sa kanyang dugong bughaw na asawa. Masaklap ang buhay pero ganun talaga.

Pero ang pinakamasayang kwento sa lahat ay si Imelda. Sa aking pagkakakilala kay Imelda, kala ko tatanda na syang dala na este dalaga. Ngunit, subalit, datapwa't, nangarap din ang isang Imelda na magkaroon ng wagas na pag ibig. Pag ibig na mailap sa marami at iilan lang ang pinagpapalang magkaroon. Nakilala ko si Imelda habang nasa sayawan (Sabi ko sa inyo basta sayawan maraming nangyayari! :)). Isa syang matalik na kaibigan ni Viola. Lumipas ang mga araw nagkita-kita ulit, beso-beso hangang sa magkapalagayang loob. Nagkwento si Imelda tungkol sa kanyang buhay kung papano naging masalimuot at mailap ang pag-ibig sa kanya. Kung titignan mo, wala ng maihihiling si Imelda dahil parang asa kanya na ang lahat. Kahit hiniwalayan ng asawa hindi sya nagkulang, hindi nga lang nagka-anak dahil baog, pero nabigyan nya ng kulay ang kanyang pagkababae sa ibang paraan. Naging mabuting kaibigan, amo at kapamilya.

Medyo minalas nga lang sya sa huli nyang pag ibig pero ganun talaga hindi lahat ng bagay sa mundo ay para sa kanya kelangan ng pag aantay.

At tila hindi naman naging madamot ang tadhana, nagkakilala sila ni Ferdinand. Si Ferdinand ang tipong tao na parang asa kanya na ang lahat, mabait na tao! Noong huling pagkikita namin ni Imelda mababakas mo ang sigla ng kanyang mga halakhak at maaaninag mo ang kislap sa mga mata. Sya ay tunay na umiibig! Pag ibig na kahit daanin ka man ng bagyo, baha at lindol alam mong matamis sa bandang huli dahil ito'y iyong pinaghirapan!

Mabuhay ka IMELDA!

Balatkayo...

Isa sa nga natutunan ko sa buhay at talagang kinakailangan sa madaming pagkakataon ay ang pagbabalatkayo! Eksperto na yata ako sa bagay na yan! Sino sa panahon ngayon ang totoo aber?! Si Barbie nga tumanda na ng singkwenta anyos nagbabalatkayo pa rin. Napagisipan nyo ba kung ano ang unang konsepto ng manyeka na yon? Wala ang nakakaalam, namatay na ang may gawa hindi pa rin nabubunyag ang katotohanan!

Naging totoo naman akong deboto ng bangka ni Kristo sa buong buhay ko na tinagal kasama ang aking pamilya. Nitong mga nakaraang linggo medyo nagkaroon ako ng ikalawang binyag. Napagisipan ko na hindi ako karapat-dapat sumali sa prosesyon sa kadahilanang hindi ako naging totoo sa mga saloobin ko ng madalas. Alam kung laging may nakapaligid at palaging nagmamasid sa akin.

Medyo nagising lang ako sa katotohanan na dapat lagi akong naging totoo at d nagbabalatkayo sa iyong pananalig. Kahapon, tinanong ako ng isang pinoy na kasama ko sa trabaho bakit daw hindi na ako nagsisimba, ang sagot ko " Tumalon na ako sa bangka ni Kristo, nararamdaman ko kasi na hindi ako karapat-dapat na humarap at sumali sa kanyang pulutong". Ang tanong nya, malaking BAKIT?, sabi ko "Nagpapakatotoo lang ako, sa lahat ng hiniling ko na ipagpatawad ako hindi ako natutong huwag gawin ulit ang pagkakasala. Hindi ako naniniwalang nagagawa natin yon dahil tayo ay tao LANG". Hindi sya nakasagot. Natakot yata!

Naniniwala pa rin naman ako na meron mas higit sa atin at may panginoon. Kelangan ko lang damhin sa aking saloobin na kahit hindi ako pumunta ng simbahan at lahat. Nakakagawa pa rin ako ng tama sa kapwa at hindi nakakasakit ng kalooban ng iba.

Nagpapakatotoo lang po ako.... adios patria de adorada!

Kwentong Kutsero!

Ang inyong lingkod ay napapabilang sa institusyon kung saan malakas ang kabig ng mga KUYA kung tawagin. Sila ay isang organisasyon na konektado sa bansang Italya. Ang eskwelahan ay ang pinakamalaking pribadong eskwelahan sa barangay ni Goring at ang may pinakamahal na bayad sa buong nasasakupan. (Ganun?! E ano ngayon?)

Sa laki ng eskwelahan kaunti lang ang mga katutubong pinoy na kasapi sa akademia ng eskwelahan. At syempre pinalad ang inyong abang lingkod na mapasok rito. Ang tanong... pinalad nga ba?

Nitong mga nakaraang araw, may isang kahabag-habag na balita ang aming natangap. Si Inday hindi pa tapos sa pagdadalamhati nya sa kanyang ina ito na naman ang isang balita na namatay daw ang kanyang kapatid. Si Inday ay isa sa sampu kong kasamahan na pinoy sa eskwelahan. Lahat kami ay nawindang sa balita. Mahirap mamatayan lalo pa't wala ka sa iyong pamilya.

Sari-saring reaksyon ang kanyang natamo. Syempre andyan na sabihan sya na baka sinumpa ang pamilya kaya nagkaganun. O hindi naman talagang minalas lang daw ang pamilya kaya nagkaganun. Magkagayun man, wala ni sino man ang nakakaalam kung ano ang tunay na nangyari, sana ang ginawa na lang ng mga mimosa ay tumahimik at pakalmahin ang sitwasyon. Sari-saring kuro-kuro na hindi naman kinakailangan pero ano pa ba ang bago? Yan ang PINOY! Dapat kasali at dapat laging IN!

Umuwi si Inday upang makidalamhati sa kanyang pamilya. Kakadating lang niya ngayong araw at pumasok na sya ulit sa trabaho. Nararamdaman ko ang pinagdadaanan ni Inday pero dapat nating harapin ang buhay. Ito ay isang pagsubok lamang. Ang buhay ay hiniram kaya kahit anong oras kukunin ito sa atin.

Syempre hindi na naman maiiwasan ang mga tanong sa bagong dating at nagdadalamhati na katrabaho sari-saring tanong. Ano ang kinamatay nya? Naku Ospital ang may sala nyan reaksyon naman ng isang katrabaho namin. Sabi ni Inday medyo nagkaroon ng komplikasyon ang pagkamatay ng kanyang kapatid medyo tumaas ang presyon at nagkaroon ng diabetes dahi sa mataas na asukal sa dugo habang kasalukuyang nanganganak. Ang tanong ko naman kay Inday, may sakit bang diabetes ang kapatid nya, ang sagot nya wala naman daw. Nagkwento tuloy ako....

Sa kahiligan kung magbasa ng tsismis ng mga personalidad sa larangan ng syobis at pulitika lahat ay nakakaalam ang kwento tungkol kay Kris Aquino. Si Kris noong pinanganak nya yong kanyang bunso nagkaroon sya ng diabetes ng hindi nya namamalayan pero ang kagandahan sa sakit na to nagagamot ang diabetes na dumapo sa kanya.

Balik sa kwento ni Inday. Sabi ng isang pinoy, naku kung may diabetes sya dapat alam ng doktor yon dati pa. Sabay sabi naman ng isa, dapat operahan na lang ang ate mo bakit hindi yon ginawa ng mga doktor. Sinundan pa ng isang pinoy, wala pang gamot ang diabetes. Habang nakikinig sa mga kwentong kutsero na ito dumudugo ang tenga ko gusto kung sumigaw. Mga HUNGHANG alam nyo ba ang mga pinagsasabi nyo?

Sa buhay ng tao, dalawa lang ang uri nito, isang magaling at isang nagdudunung-dunungan. Kung wala ka rin lang naman masabi na matino dapat itikom na lang ang bibig!

Sunday, July 6, 2008

Gumuhong Pangarap ni Goring!

Simple lang naman ang pangarap ko sa buhay. Ang magkaroon ng lalaking magmamahal sa akin ng taos puso at alang alinlangin. Mahirap bang matamo yon?

Papano ka makakahanap ng lalake kung hindi ka lalabas. Isa sa mga gawain ko pag huling araw ng linggo ay lumabas kasama si Amalia. Palagi kaming nalabas ni Amalia. Sumasayaw ng pandango sa ilaw at tinikling kasama ang mga magsasaka at mga alipin sa pabrika ni Imelda. Para akong sinabuyan ng tubig yelo at magising sa katotohanan at sa aking kahibangan. Nakita ko na ang dapat kong makita at siguro ngayon dapat ko nang iwasan ang paglabas labas. Tatapusin ko na lang ang mga gawaing bahay ko at pagbuburda. Isang masaklap na katotohanan na dapat kong harapin at wala naman ni sinuman ang may sala. Siguro marupok pa ang aking damdamin at hindi pa ako handa sa lahat ng meron sa buhay.

Bakit nga ba ako nagkakaganito?

Halos lahat ng mga kapitbahay ko sa Barangay ay hindi na iba sa akin. Kulang na lang magtabi tabi kaming lahat sa kama sa pagtulog habang nakikinig ng kantang "Bahay Kubo" o alinmang kundimang sumikat.

Isang araw bago matapos ang linggo, nagkayayaan ang mga magkakapit bahay. Si Viola nagyaya at meron daw siyang kaibigang may kaarawan, si Gracia. Nakilala namin ni Amalia si Gracia ng pahapyaw. Nagkakilala kami sa piyesta at hindi ko inaakala na natatandaan nya pa ako matapos ang insidente. Biglang tumawag si Viola at sabi kaarawan nga ni Gracia at panauhin daw kami. Punta naman ang mga patay gutom hahaha. Nagbabalak na pala pumunta si Viola sa sayawan matapos ang pagdiriwang. So kami naman ni Amalia kasama namin si Octavio kasabay si Viola, pumunta kami sa sayawan.

Nagkataon na nakita namin si Juling sa sayawan medyo nahuli ng dating. Habang ang lahat ay nagsasayawan at medyo nakakainom na, merong isang lalaking kumuha ng aking atensyon, sya ay si ADAN, sabay hila sa kanya at yapos sabay halik. Halik ng isang marupok at matagal ng hindi nakakatikim ng luto ng diyos. TAPOS!

Hindi kami nagkaayos Adan, hindi ko sya maintindihan. Siya ay taga kabilang ibayo at iba ang kanyang linguahe. Maya maya ng konti, aba aba nakikita ko si VIOLA kahalikan at kayapos si Adan. Pagkatapos ng halikan naguusap na ang dalawa. Nakapagsasalita si Viola ng linguahe nya kaya sila nagkaka intindihan. Alang kasalanan si Viola sa nangyari hindi rin naman nya alam na nagkahalikan na kami ni Adan.

Sa puntong iyon, medyo nagising ang aking ulirat. Hindi na yata tama ang mga ginagawa kong kahayukan na pakikipaglaplapan sa loob ng sayawan lalo na at hindi ko naman hawak ang sitwasyon. Lahat kaming magkakaibigan ay pwedeng magkagusto sa isang lalake ang hindi ko lang matangap ay ang lalake e makakahalikan kaming lahat na magkakaibigan. Ang isang magandang nangyari sa sitwasyon ay mabuti na lang ako ang unang nahalikan ni Adan at hindi si Viola.

Ano na lang ang mangyayari kung nauna si Viola at ako ang nahuli at nagkabukingan! PATAY!

Friday, July 4, 2008

Tagaktak ng Ulan!

Isa sa mga masayang ala-ala noong tayo'y bata pa ay ang maligo sa ulan! Pinalaki akong may mga tanim na palay, luntiang paligid, masayahing kapitbahay at sa maliit na kumunidad. Kadalasan ang ulan ay dumadating kalagitnaan ng Mayo o d kaya umpisa ng pasukan. Masayang magbabad sa ulan habang nararamdaman mo ang patak sabay takbo at habulan ng iyong mga kalaro.

Sa panahong lahat ng tao ay nagsusumiksik sa isang lugar, umuunlad na bayan at usok doon usok dito, hindi mo na maiiwasang isipin kung ang mga bata ba sa panahong ito ay nararanasan pa ba ang mga naranasan natin noong tayo ay bata pa. Malamang may mga pasintabi na ang mga magulang tulad ng madumi na ang patak ng ulan dahil sa mga usok ng mga sasakyan at pabrika. Samu't saring dahilan upang huwag payagan maligo sa ulan.

Ito ay isang kwento ng aking mga ninuno noong ako ay bata pa. May dalawang dahilan kung bakit umuulan. Una, kung ikaw ay naging mabuti nagsisilbi syang basbas dahil sa iyong mga nagawang kabutihan sa mundo. Pangalawa, kung ikaw ay naging masama isa syang paalala ng hagupit ng tadhana na maging mabuting mamamayan at isipin ang kalikasan.

Friday, June 27, 2008

Ang Barangay ni Goring!

Pinalad akong mapabilang sa isang barangay na may iba't ibang kultura at kabihasnan. Ang pakikipagdiskusyon sa ilang mga bagay-bagay ay nakapagbibigay ng kahit papanong konting aliw para hindi mo maranasan ang lungkot na malayo sa iyong pamilya at mga kaibigan.

Kilatisin natin kung sino-sino ang mga kapitabahay ko sa barangay ni Goring!

Goring ( ang inyong lingkod) - isang gurong nagkukumahig para lang may maibuhay sa kanyang bisyo. Ang bisyo.... magpaganda, mag inarte at kung ano ano pang mag na ginagawa ng isang mahaderang lumaki sa probinsya at nakatikim ng lungsod.

Amalia - isang mayamang biyuda na naghahanap ng aliw kung saan saan. Siya ay matalik na kaibigan ni Goring.

Linda - isang manghuhula at mabait at mabuting kapitbahay. Siya ang takbukan ng lahat. Kung may kelangan tawagin si Linda. Iyon nga lang paminsan minsan nawawala siya. Mahilig syang pumunta sa iba't ibang lugar para manghula.

Imelda - siya ay pinalaking tama ng pamilya. Sa murang edad, pinadala na siya ng kanyang mga magulang sa Europa upang mag aral. Kasalukuyang may isang malaking pabrika sa Barangay. Siya madalas ang nag iimbita ng salo salu.

Tracy - isang dayuhan malapit na kaibigan ni Amalia. Kasalukuyang nagaaral sa isang mababang paaralan sa barangay ni Goring. Kung si Goring ay haliparut, talipandas naman si Tracy.

Viola - isang mapag maganda at palaging gustong nasa cirkulasyon sa barangay. May sarili syang buhay.

Octavio - isang lalaki (?), mapangahas at marupok.

Juling - isang dalagitang lumaki sa may maunlad na kooperatiba. Mayumi at kaakit-akit.

Yan lamang ay ilan sa mga kasalukuyang kapitbahy ni Goring, antabayan at marami pang parating na mga karakter.

Patalastas!

Matapos ang masugid na paghahanap ng isang babasahin dito sa internet, napagisipan kong gumawa ng sari-saring kwento tungkol sa buhay ng isang magsasaka, manggagawa, doktor, inhenyero, bading, tomboy at iba pang mga nilalang na nakakasalamuha ko araw araw na ginawa ng Poong Maykapal.

Magbigay komento sa mga nababasa bilang isang pagsusuri kung ano man ang gusto nyong iparating sa manunulat. Huwag ugaliing maging tsismosa, isulat ang iyong nararamdaman at palawigin ang iyong kaalaman