Monday, July 7, 2008

Kwentong Kutsero!

Ang inyong lingkod ay napapabilang sa institusyon kung saan malakas ang kabig ng mga KUYA kung tawagin. Sila ay isang organisasyon na konektado sa bansang Italya. Ang eskwelahan ay ang pinakamalaking pribadong eskwelahan sa barangay ni Goring at ang may pinakamahal na bayad sa buong nasasakupan. (Ganun?! E ano ngayon?)

Sa laki ng eskwelahan kaunti lang ang mga katutubong pinoy na kasapi sa akademia ng eskwelahan. At syempre pinalad ang inyong abang lingkod na mapasok rito. Ang tanong... pinalad nga ba?

Nitong mga nakaraang araw, may isang kahabag-habag na balita ang aming natangap. Si Inday hindi pa tapos sa pagdadalamhati nya sa kanyang ina ito na naman ang isang balita na namatay daw ang kanyang kapatid. Si Inday ay isa sa sampu kong kasamahan na pinoy sa eskwelahan. Lahat kami ay nawindang sa balita. Mahirap mamatayan lalo pa't wala ka sa iyong pamilya.

Sari-saring reaksyon ang kanyang natamo. Syempre andyan na sabihan sya na baka sinumpa ang pamilya kaya nagkaganun. O hindi naman talagang minalas lang daw ang pamilya kaya nagkaganun. Magkagayun man, wala ni sino man ang nakakaalam kung ano ang tunay na nangyari, sana ang ginawa na lang ng mga mimosa ay tumahimik at pakalmahin ang sitwasyon. Sari-saring kuro-kuro na hindi naman kinakailangan pero ano pa ba ang bago? Yan ang PINOY! Dapat kasali at dapat laging IN!

Umuwi si Inday upang makidalamhati sa kanyang pamilya. Kakadating lang niya ngayong araw at pumasok na sya ulit sa trabaho. Nararamdaman ko ang pinagdadaanan ni Inday pero dapat nating harapin ang buhay. Ito ay isang pagsubok lamang. Ang buhay ay hiniram kaya kahit anong oras kukunin ito sa atin.

Syempre hindi na naman maiiwasan ang mga tanong sa bagong dating at nagdadalamhati na katrabaho sari-saring tanong. Ano ang kinamatay nya? Naku Ospital ang may sala nyan reaksyon naman ng isang katrabaho namin. Sabi ni Inday medyo nagkaroon ng komplikasyon ang pagkamatay ng kanyang kapatid medyo tumaas ang presyon at nagkaroon ng diabetes dahi sa mataas na asukal sa dugo habang kasalukuyang nanganganak. Ang tanong ko naman kay Inday, may sakit bang diabetes ang kapatid nya, ang sagot nya wala naman daw. Nagkwento tuloy ako....

Sa kahiligan kung magbasa ng tsismis ng mga personalidad sa larangan ng syobis at pulitika lahat ay nakakaalam ang kwento tungkol kay Kris Aquino. Si Kris noong pinanganak nya yong kanyang bunso nagkaroon sya ng diabetes ng hindi nya namamalayan pero ang kagandahan sa sakit na to nagagamot ang diabetes na dumapo sa kanya.

Balik sa kwento ni Inday. Sabi ng isang pinoy, naku kung may diabetes sya dapat alam ng doktor yon dati pa. Sabay sabi naman ng isa, dapat operahan na lang ang ate mo bakit hindi yon ginawa ng mga doktor. Sinundan pa ng isang pinoy, wala pang gamot ang diabetes. Habang nakikinig sa mga kwentong kutsero na ito dumudugo ang tenga ko gusto kung sumigaw. Mga HUNGHANG alam nyo ba ang mga pinagsasabi nyo?

Sa buhay ng tao, dalawa lang ang uri nito, isang magaling at isang nagdudunung-dunungan. Kung wala ka rin lang naman masabi na matino dapat itikom na lang ang bibig!

3 comments:

Anonymous said...

Reading your blog, para akong nanonood ng scene from LVN Pictures kung saan nagkumpol-kumpol magkakapitbahay para pag-usapan ang nangyari kay Inday :). Masyado ka pang bata para maalala sina Chichay at Tolindoy :) Nice blog here and is steeped in local color. Looking forward to more kwentong kutsero :) Nood tayo ng Mama Mia, ha, mama mia! :)

kawadjan said...

hayan, tumalak ang mga chismosa. nanood lang si goring. sana naman liniwanagan mo ang kanilang mga pagiisip no.
choz.

Tiba-tiba Tayo! said...

evita... salamat sa iyong mga papuri... natutuwa naman ako at kahit papano nabibigyan ko ng aliw ang mga mambabasa....

chona... kapag tsismosa na ang mga nagkumpol-kumpol wala ka ng panama sa kanila kundi ang makinig at tumango pagnagkaroon ka ng reaksyon ikaw pa ang masama hahaha madalas ako ang tsismosa kaya alam ko yan hahaha