Tuesday, July 22, 2008

Ang Paglalakbay!

Huling naglakbay ang magkakaibigang Goring, Amalia at Linda noong Mayo. Nagpunta ang tatlo sa tabing-dagat. Paglalakbay na iyon na matatawag sa kadahilanang kelangan nilang sumakay ng kalisa ng ilang oras para makarating sa tabing dagat. Bago pa nangyari ang paglalakbay na ito e nakilala na ni Goring sa mga panahong iyon si Dodong, ang misteryosong lalake sa takip-silim.

Masaya si Goring kasi, ito yong panahong sumibol ang bagong pag-asa. Naging masaya ang tatlo sa nasabing biyahe.

Nitong buwan ng Hulyo medyo pinalad ang tatlo at apat na araw silang walang pasok maliban kay Linda na tatlong araw lang ang bakasyon. Wala namang problema si Linda kasi medyo hawak naman nya ang oras sa trabaho.

Napagisipan ng tatlo na bisitahin si Donya Buding. Si Donya Buding lang naman ang namamahala ng buong Isla Tirador. Ito ay dating kuta ng mga rebeldeng nagbalik-loob at sumuko na sa pamahalaan. Nakatira si Donya Buding sa isang malaking tore kung saan sya ang nakatira sa tuktok nito kita ang buong Isla Tirador.

Hindi naging madali ang paglalakbay ng tatlo. Kinaelangan nilang tawirin ang bundok at mamangka sa dalampasigan ng ilang oras. Nakarating na si Goring sa dating kuta ng rebelde at namangha sya sa lugar. Hindi pa nya kilala noon si Donya Buding.

Nang imbetahin ni Donya Buding ang kaibigang si Amalia, naisip nyang isama sina Linda at Goring. Paalis na kasi sa lugar si Donya Buding. My binili syang isang isla sa baybayin ng Pasipiko at kinaelangan nyang mamalagi doon para tignan ang kanyang ari-arian.

Maganda ang lugar, ipinasyal ni Donya Buding ang tatlo at namangha sila sa pagbabago ng lugar. May mga nakatirik pa ring bahay na sa kung ilang daang taon na ang edad. Ang lugar ay animong bakas ng nakalipas na may timplang modernong sining.

Walang ginawa ang tatlo kundi mamangha sa mga pasilyo, hardin at ang luntiang kulay ng paligid. Isang animoy birhen sa kalagitnaan ng karagatan na kung masilayan ng isang binata'y mabibighani at mabibilanggo sa angking alindog at mayuming pagkatao.

Dalawang araw rin ang inilagi ng tatlo sa isla. Nagkaroon rin ng salu-salo kasama ng mga katutubo sa lugar.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, sa kanilang paglalakbay pabalik hindi naging maganda ang panahon. Pagtawid ng karagatan, kinaelangan ng tatlo na lakbayin na lang pabalik at harapin ang masamang panahon. Naglakad ang tatlo at binaybay ang pabalik sa barangay.

Magkagayunpaman, nasiyahan ang tatlo sa ginawang pakikipagsapalaran pabalik ng barangay. Lalong hindi matapos tapos ang mga kwento tungkol sa Isla Tirador at ang mga masasayang ala-ala sa piling ni Donya Buding.

3 comments:

Anonymous said...

Kilala kaya ni Donya Buding si Dona Delilah? Baka nakakalaro nya sa mahjong o baka nakakasama sa mga pagsasalo ng mga insulares at peninsulares? Pero balita ko nga talaga, marunong mag-estima yang si Dona Buding ng kanyang mga bisita. :)

Anonymous said...

hay naku, mga palaboy talaga kayong mag-aamiga. saan na naman kayo ipapadpad ng kapalaran?

Anonymous said...

Sana sa may nyebe naman para magamit na natin ang nilulumot nating fur coat [na fake] at leather gloves at ang mamahaling bota. Haaay... :)