Sunday, July 13, 2008

Ang Tumaderang si Goring!

Si Tonyang isa sa kapatid ng estudante ni Goring ay naisipang syang imbetahang lumabas. Sabi ni Tonyang siya daw ang taya kaya hindi na nag atubili pa si Goring agad syang pumayag sa imbetasyon.

Hindi kilala ni Goring si Tonyang ng personal kaya hindi nya alam kung ano ang mga hilig nito sa buhay. Nagulat na lang si Goring ng pumunta sila sa isang lugar kung saan may mga lalaking nagsasayawan ng hubad. Hubad at wala talagang saplot sa katawan. Iwan ba ni Goring kung tama ang naging desisyon nyang sumama, hindi na sya makapalag ng mga panahong yon kasi hinablot na ng isang lalaki ang kamay ni Goring sabay pasok sa loob ng lugar.

Hindi mo naman masasabi si Goring na isang babaeng walang kaalam-alam sa buhay. Naranasan nya nang makapasok sa ganung lugar ngunit hindi ganun ka agresibo ang dating. Siguro hindi lang napaghandaan ni Goring ang tagpong iyon. Habang nasa loob, walang patumangga si Tonyang sa kaka hingi ng alak para sa grupo. Apat silang pumasok sa lugar. At wala namang magawa si Goring kundi laklak ng laklak ng alak dahil medyo ninerbyos ang dalaga.

Madaling nalasing si Goring sa kadahilanang hindi sya nakakain ng hapunan. Medyo maingay na sya at haplos na ng haplos sa kung sinong lalake ang dumaan sa kanyang harapan, Hindi nya na napigilan pa ang sarili. Dumating sa puntong may isa na syang lalaking kainuman sa iisang kupeta. Ito ang unang pagkakataon na nangahas si Goring. Pagkakataong alam nyang hindi na rin mauulit kaya tinodo nya na ang lahat.

Hindi pa nakuntento ang grupo lumipat pa sila ng ibang lugar. Kinaelangan nilang magsaya at sumayaw. Doon na nawala sa sarili si Goring hanggang sa umabot na mawalan sya ng katinuan. Buti na lang sumunod sa panahong yon si Amalia. Si Amalia na ang umagabay kay Goring kasi ang mga kasama nito ay umuwi ng maaga. Dumating sa punto na kinaelangan ni Goring manatili sa palikuran ng dahil sa sakit ng kalamnan at dahil na rin sa pagsusuka.

Isang karanasang maituturing at doon mo lang talaga malalaman kung papano magmahal ang tunay na kaibigan. Medyo nasobrahan ng kalasingan si Goring buti na lang andyan si Amalia. Ni hindi na nga natanong ni Goring si Amalia kung bakit napasugod ito sa lugar dahil ang alam ni Goring may lakad si Amalia. Magkaganunpaman, abot abot ang pasasalamat ni Goring kay Amalia. Nasambit nga ni Goring kay Amalia, pag may nakilala si Goring na lalake ibibigay na muna nya ito kay Amalia. Lalake ang nakapagpapasaya kay Amalia!

5 comments:

Anonymous said...

Hi Goring! Sana mabuti-buti na pakiramdam mo. Buti na lang talaga, andyan si Amalia kasi kung wala eh baka napariwara ka na. :)

Anonymous said...

buti na lang andyan si Amalia pero sumama rin ang loob ko dahil nagdurugo ang puso nya habang ako naman e hayok sa kalasingan

Anonymous said...

Nabalitaan ko rin nga yung pagdurugo ng puso ni Amalia nung mapadaan ako sa tindahan kanina. ayun, naki-tsismis na rin ako. Pero ganyan talaga...lilipas din yan. Naku, dahan-dahan sa pag-inom ha, mag-Coke liter ka na lang kaya. Kaya lang, masarap din samahan ng rum yung coke, lagyan mo ng strawberry slices.. sarap! Yun ang ginagawa ko pag 'bored' ako eh hehehe :)

Anonymous said...

ay pinagchismisan nyo si amalia ha. mga chismosa kayo! parang ako lang din! kaya nga friends tayo.

malakas ang loob ni amalia no. choz.

at goring, correction. pera. pera din ang nakapagpapaligaya kay amalia maliban sa lalake.

Tiba-tiba Tayo! said...

may punto ka nga doon rosas... pera nga ang nagpapaikot sa lahat pero dahil na rin sa lalake kaya kumakayod tayo ng todo ...

goring