Monday, September 15, 2008

Luningning ng Bukang liwayway!

Mag iisang buwang walang balita kay Goring. Kinaelangan ni Goring magnilay-nilay muna at wag munang pagkakausapin ang mga kaibigan. Tuloy tuloy pa rin ang buhay ni Goring ng mga nagdaang araw kahit wala tayong nababalitaan sa kanya.

Sa nakalipas na buwan, nagkaroon ng hindi inaasahang pagtatagpo si Goring at ang dakilang armitanyo. Maraming kwento pero gilalas si Goring sa huling sinabi ng armitanyo. Tila pinanganak raw sya ng dilim at walang sikat ng araw ito ay sa kadahilanang wala raw siyang makitang magpapaligaya ng puso ni Goring. Dali daling tinawagan ni Goring ang Inang nya at tinanong kung anong oras ba sya pinanganak. At pinatotohanan naman ng Inang ni Goring ang sinabi ng armetanyo. Magkaganun man sabi ng Inang ni Goring, siya raw ang nagsilbing luningning ng bukang liwayway!

Tila kumbensido naman si Goring sa sinabi ng armitanyo. Hindi na rin naman sya naghahanap ng makakapiling sa buhay sa kadahilanang tumatanda na sya at mahirap na ngayon ang buhay. Balak ni Goring pagtuonan ng pansin ang kanyang trabaho at kung papano pa sya magiging produktibo rito.

1 comment:

Anonymous said...

Naku, hija, wag mong sabihin yan na porket tumatanda ka na eh wala ka na makikitang sowlmayte mo :). Age is all in the mind. Ang puso hindi tumatanda, tandaan mo yan :)