Thursday, July 10, 2008

Pangungulila...

Pagkatapos ng pagpupulong at pakikipagplastikan kay Petra, naiwan si Goring na nagiisa sa opisina. Kinaelangan ni Goring umuwi ng maaga dahil medyo inaantok sya sa dami ng ginawa nya sa buong araw at dahilan na rin sa sarap ng panahon. Maghapong umaambon at malamig ang panahon.

May naalala si Goring, anong petsa ngayon? Ika-sampu na ng Hulyo at isang buwan na rin ng huli syang nakisiping sa isang lalaki. KATAKOT! Bakit ang tagal, kung dati rati e halos araw-araw kung magkaroon, ngayon bigla na lang ang pagbabago! Kasalanan ito ni PETRA hindi na sana maiisip ni Goring e kung anu-ano kasi ang mga pinagkwekwentong mga kahalayan.

Pero kung titignan mo ang istorya ni Goring sa mga lalake, hindi na bago ang kalagayang ganito. Merong minsan, tatlong buwang alang siping tapos bigla bigla na lang nakaka dalawa o tatlo sya sa isang araw at kung minsan sunod-sunod na araw yon sa isang linggo. May dapat bang ikabahala? Kung titignan mo wala naman dapat ikabahala, iyon e kung gumagamit si Goring ng "mahiwagang supot".

Sa halos lahat ng nakasiping ni Goring, nubenta porsyento walang mahiwagang supot. Maswerte pa rin sya at hindi sya nabubuntis gayong malusog naman ang kanyang hipyas. Siguro nagkataon lang na lahat ng halos isang daan na lalaki na dumaan sa buhay ni Goring ay BAOG. Pero ngayon natututo na si Goring, palagi syang pinagagalitan ni Amalia at ng buong barkada.

Medyo nangungulila lang naman si Goring ngayon malamig ang panahon at medyo nakadama ng poot ng malaman nyang si Amalia ay kasalukuyang nahuhumaling sa mga kalalakihan. Alam nyo naman ang mga babae mahilig magkwento ng kalalakihan. Magkagayun man masaya naman si Goring kahit papano, hindi mo lang naman kasi maiiwasang isipin ang mga dati mo ng nakagawiang gawin!

2 comments:

Anonymous said...

Hayaan mo Goring, lilipas din ang pangungulila mong yan. Ganyan talaga pag malamig ang panahon. Baka lang meron ka o malapit ka na magkaroon kaya ka nagkakaganyan. Minsan pag malapit na ang kabilugan ng buwan, nagiging sensitive at madamdamin din ang mga tao... eh malapit na mag-full moon, sa isang linggo na. Sige lang, mag-window shopping ka kaya? :)

Anonymous said...

goring, goring, goring, kelan pa nagpapahinga ang puta?