Tuesday, July 8, 2008

Pagbabalik Tanaw sa Tanikala!

Si Goring ay ipinanganak sa lungsod ngunit lumaki at nagkamulat sa probinsya. Masayahin ang buhay ni Goring noong bata pa hangang sa sumapit ng sekondarya. Medyo naging malupit ang kanyang ina sa pagpapalaki pero hindi ito naging balakid sa kanyang mga pangarap. Sumali sya sa sari-saring patimpalak para lang may patunayan. Lumaking alam kung ano ang gusto sa buhay.

Masayahin naman ang buhay ni Goring. Masaya na pamilya na kumakain ng tatlong beses isang araw, pag sinuswerte naman may meryenda pa na kasama. Hindi nga lang naranasan ni Goring makipaglaro sa mga kaibigan dahil sa sobrang lupit ng kanyang ina. Palaging ang kalaro nya ay ang kapatid na lalake na palaging nakikipagsuntukan sa kanya. Ni hindi sya nakahawak ng manika pero magkaganun man alam naman nya ang hitsura ng manika at sumayaw at kumimbot.

Nagsimula ang buhay ni Goring ng sya ay mapadpad sa Maynila upang magaral ng kolehiyo. Dito nya natutunan ang lahat. Ang makipaghalikan kahit ala kang boypren, ginagawa ng iba bakit hindi nya magawa hindi ba? Naranasan rin nyang makipag-eyebol sa mga hindi kakilala. Marami syang ginusto na napasakanya. Iyong panahong yon ang mga masasayang araw ni Goring.

Mas naging mapusok si Goring ng magtapos sa kolehiyo. Sa mga natutunan nya sa radyo at telebisyon, pwede ka palang makipagtalik na hindi ka nabubuntis. Doon nagsimula ang paiba-iba ang kanyang nakaka-naig. Merong araw na nakakadalawa sya at wala syang pakialam, doon sya masaya at sa kanyang pakiwari e masarap ang kanyang ginagawa. Kung titignan mo naging haliparut si Goring.

Kinailangan ni Goring magtrabaho at mabuhay ng sarili. Kelangan nyang lumipat ng lugar at magsimula ng panibagong buhay. Talikuran ang alaalang naging bahagi ng kanyang pagiging matibay na tao.

Meron bang pagsisisi si Goring sa kasalukuyan? Wala. Masarap baliktanawin ang mga alaalang minsan hindi mo maiisip na iyong magagawa. Sa tinagal ng buhay sa mundo ni Goring, mapapansin mong nalasap nya na ang dapat nyang malasap. Pag ibig lang ang sadyang mailap kay Goring. Mapapasaan ba't makakahanap rin sya ng lalaking luluhod sa kanyang harapan at magsasabing "Ikaw ang buhay ko, Mahal kita Goring!"

2 comments:

Anonymous said...

Diyata't isang wagas na pag-ibig ang iyong pinapangarap goring :) Pero pasa-saan ba't masisilayan mo rin ang iyong pinaka-iirog at ang magdudulot sa iyo ng walang hanggang kaligayahan :)

Tiba-tiba Tayo! said...

Lahat tayo ay umaasam sa wagas na pagibig... ang tanong meron ba? kung minsan kelangan nating tangapin ang realidad na..... maganda tayo at walang babagay sa atin... AMEN!!!