Wednesday, July 30, 2008

Ang Pag-iisa…

Apat na araw ring tumuloy si Dra. Belen Magpa-ubaya kay Goring. Naging mabunga ang apat na araw na iyon sapagkat maraming natutunan at natuklasang bagay si Goring. Isa-isahin natin:

Una, sa apat na araw na pamamalagi biglang nagkaroon ng pangugulila sa pamilya si Goring. Hindi mo maiaalis kay Goring ang mag-alala kay Dra. Belen dahil nakatira ito sa kanya. Palagi nyang iniisip kung kumain na ba ito, nasan na ba ito ngayon o hindi kaya baka nawala na sya sa barangay. Hindi masamahan ni Goring si Dra. Belen sa lahat ng lakad nito dahil siya ay may trabaho. Pero labis ang naging pag-aalala ni Goring.

Pangalawa, naisip ni Goring kelangan nya ng maghanap ng makakasama sa buhay. Iba talaga kung may kinakasama ka. Kelangan mo ng kausap, tagapakinig, o hindi naman kaya’y isang masasandalan sa hirap o ginhawa. Naisip ni Goring kung papano kaya ang mag-antay sa iyong minamahal sa dis-oras ng gabi at magtatalak at sa pagising mo naman ay yakap-yakap mo sya at sabay mag-aagahan.

Pangatlo, iba rin pala ang nararamdaman mo pag may nadidiskubre kang bago. Sa pagkakaakala ni Goring alam nya na ang pasikut-sikot sa barangay pero isang Dra. Belen lang pala ang makakasama nya para madiskubre kung ano ang isa sa siguro maraming sikreto ng barangay.

Pang-apat, masarap talagang may kasama sa hapag-kainan tatlong beses isang araw. Naiiba ang kwentuhan sa hapag-kainan kesa sa kwentuhan sa labas kasama ng mga kaibigan, katrabaho at iba pang taong nakakasalamuha mo lang.

Magkagayunpaman, ang pamamalagi ni Dra. Belen ay nagbigay ng ibang sigla kay Goring. Siglang huhugutin ni Goring upang patuloy na makipagsapalaran sa buhay at planuhin ang dapat gawin sa mga susunod na araw. Ang buhay ay parang isang patentero, dapat marunong kang dumiskarte at mabilis mag-isip kung ano ang susunod na hakbang. Pagnasagip ka, tapos na ang laro at kelangang ulit-ulit para makamit ang tagumpay!

6 comments:

kawadjan said...
This comment has been removed by the author.
Anonymous said...

mahilig ka rin palang mag patintero, goring.
kaloka ang post na ito, parang iniisip ko na tuluyan na ngang nahulog ang loob mo kay duktora. issssssueeeee!

Anonymous said...

Kakakilig naman! :) Naalala ko tuloy yaong lumang awitin ni Yolly Samson: Sa aking pag-iisa, ikaw lang ang nasa isip ko.... kung nalalaman mo lamang, na ako sa yo'y naghihintay... haaaaay! hehehe :)

Anonymous said...

Abangan ang susunod na kabanata sa buhay ni Goring at and kanyang doktora :)

Anonymous said...

naku, parang may namumuong tambalan sa barangay...si goring at si doktora belen! sa apat na araw na magkasama sila, nagpatintero din kaya sila?

abangan...

Anonymous said...

Charito> :) bagay sa iyo ang iyong pangalan macharing ka masyado... wala si dra. belen ay mabait na tao hanggang doon na lang yon tuldok.

Usisearang kabitbahay> :) naku mahal kong kapitbahay... medyo dapat makinig tayo minsan ng sabay at dumuyan tayo habang nagsiesiesta magandang libangan yan :) ang nakaraan ay nakaraan na at hindi na pwedeng balikan... pwede mo na lang balik-tanawin

gibo> :) huwang mong sabihin na hangang dyan sa barangay mo e nakarating ang tsismis sus walang namuo at mamumuong kahit anuman...