Sunday, July 13, 2008

Ang Labanan sa Tirad Pass!

Biyernes na naman at walang magawa si Goring. Ito na kasi ang huling araw nya ng pagtuturo kasi sa susunod na linggo e pagsusulit na ng mga bata. Masaya si Goring kaya naisip nyang lumabas at magpakasaya kahit papano. Sanay naman si Goring lumabas mag-isa ngunit mas ninais nyang makasama ang mga kaibigan nyang matalik kaya wala syang ginawa kundi ang ayain niyang lumabas sina Amalia at Linda. Napagkasunduan ng tatlo na manood na lang ng sine.

Ang palabas: Ang Labanan sa Tirad Pass. Isang palabas ng digmaan noong sinaunang panahon. Medyo nagandahan si Goring sa estilo ng labanan, kung papano nagsimula ang digmaan ng dahil sa kasakiman at higit sa lahat ang mga gwapitong mga aktor na gumanap. Dalawa lang ang babaeng may papel sa pelikula pero maganda at nagampanan naman nila ng maayos ang karakter. Ito ang una sa tatlong serye na ipalalabas.

Nakasama ng tatlo si Tracy. Isang hitad na galing sa barangay kung saan marami ang tupa kesa sa tao. Nakilala ni Goring si Tracy ng dahil kay Amalia. Masayahin namang kasama si Tracy iyon nga lang kung anu-anong kwento patungkol sa mga kalalakihan ang iyong madidinig. Minsan naisip ni Goring, pumunta ba sa barangay si Tracy para mag aral o para lang magp_ _ _ . Pero kasi hindi mo rin masisisi si Tracy, ang barangay ni Goring ang daungan ng mga taga ibang barangay ng dahil sa mga kalalakihan. Ito ang hindi gaanong mainitindihan ni Goring, lahat nagkakandarapa samantalang sya e keber. Iba lang talaga siguro ang panlasa ni Goring.

Masaya naman ang naging gabi ng apat. Kwentuhan, kwentuhan at walang patumangang kwentuhan. Ito yong araw na ikasasaya mo dahil sa isang linggong pagtratrabaho, makasama mo lang ang mga kaibigan ng ilang oras parang buhay na buhay ka na naman para sa susunod na linggong pagiging alipin sa trabaho.

1 comment:

Anonymous said...

"Minsan naisip ni Goring, pumunta ba sa barangay si Tracy para mag aral o para lang magp_ _ _ ."

hahahahah. nag tumbling ako sa comment mo na to! actually naisip ko rin yan. iba si tracy. kasing libog mo lang din, girl.