Wednesday, July 30, 2008

Ang Talipapa at mga Talipandas… bow!

Nitong mga nakaraang araw naging abala si Goring sa pag-istema kay Dra. Belen Mapag-ubaya. Si Dra. Belen ay siyang tumatayong kanang kamay ni Donya Buding. Hindi ko pa nakakausap itong si Dra. Belen pero nababangit na ito sa akin ni Amalia ng maka-ilang beses na may dadating daw na bagong salta sa barangay. Hindi naman ito gaanong pinansin ni Goring sa kadahilanang baka isa lang sya sa mga taong pumapanhik paloob at niyuyurakan ang imahe ng barangay.

Unang kita pa lang kay Dra. Belen, maaninag mong mabuting tao ito. Isa syang mananaliksik ng sining sa isang sikat na unibersidad sa Pilipinas. Naghahanap sya ng matutuluyan, ani Goring doon na lang sa kanya mamalagi. Ito ang tunay na ikasisiya mong maging Pilipino. Kahit asa ibang barangay ka pag Pilipino ka, bibigyan at bibigyan ka ng importansya at kahit papano ay aasikasuhin. Naging bukas naman sa suhestyon si Dra. Belen sa kadahilanang makakatipid nga naman sya.

Unang araw ni Dra. Belen, inilibot sya ni Amalia, Imelda, Linda at Goring sa Talipapa sa Tabing Ilog. Doon ang bagsakan ng mga lilukan ng mga palayok at kung ano ano pang kasangkapang gawa sa pinong putik. Makikita mong medyo maganda at maayos pa ang lugar sa kadahilanang malayo ito sentro ng sibilisasyon. Hindi pa ito gaano nadidiskubre ng mga dayuhan. Madaming mabibisita sa tabing ilog tulad ng mga templo, kapihan, karinderya sa gilid ng ilog at syempre ang walang kamatayang pagmamasid ng mga lalake.

Kinagabihan, naglibot si Dra. Belen, Amalia at Goring sa sentro ng barangay. Nagkwentuhan ng mga kaganapan sa Pilipinas at kung gaano na kamahal bumili ng daster at bakya. Naunang umuwi si Amalia kaya dalawa na lang silang lumibot sa sentro. Namamangha si Goring kay Dra. Belen. Dahil madami itong alam sa buhay at dahil na rin sa nalaman nyang mas makati pa si Dra. Belen kesa sa kanya.

Sa tinagal-tagal na inilagi ni Goring sa barangay, akala nya napuntahan at nadiskubre nya na ang lahat ng dapat idiskubre sa barangay. Pero nagkamali si Goring. Marami pa syang hindi napupuntahan at natutunan tungkol sa mga sekreto ng barangay. May pinuntahan silang isang sayawan na lahat ng sumasayaw e nakahubad. Tago ang lugar kaya hindi mo gaanong pansin pero ang nakakapukaw pansin sa lugar ay ang mga lalakeng animo’y kargador ng semento sa lalaki ng katawan nila. May paniniwala si Goring dati na pag malaki at maskulado ang katawan mo maliit ang kargada pero hindi pala totoo yon. Mahahaba ang mga batuta ng mga kargador at napaka kasual kung sila ay magkikilos na nakahubad. Namangha at gilalas na gilalas sina Dra. Belen at Goring. May kanya-kanyang pakulo ang mga tao sa lugar. Mga pakulong nakapag-iinit ng iyong kepyas. Umuwing masaya ang dalawa, ang isa’y ibinahay ng panandalian ng isang instik at ang isa nama’y kumuha sa mga mananayaw para sya aliwin. Sa bahay na nagkita ang dalawa at nagkwentuhan kung ano ang mga karanasan nila ng gabing yon.


TANONG NG BAYAN: Kanang kamay ni Donya Buding si Dra. Belen Mapag-ubaya. Kung makati si Dra. Belen, gaano kaya kakati si Donya Buding?

4 comments:

Anonymous said...

naku, alam ba yan ni mother superior?

Anonymous said...

ang chismis ng baranggay, mas makati pa raw itong si donya buding kaysa kay dra belen!

bilang patunay, plano raw nitong bilhin lahat lalaki sa mahalay na lugar na pinuntahan ninyo at iuwi ang mga ito sa kanyang palasyo.

Anonymous said...

Naku, eto na, tsismisan portion na... sabagay, kaya ni donya buding gawin ang lahat ng yan. isang kaway lang ng kanyang pamaypay eh lalapit na sa kanya lahat ng ituro nya. teka, si dra belen ba ang ob-gyne ni donya buding? hmmm...

Anonymous said...

Susan> :) walang nakaka-alam

Gibo> :) yan din ang hula ko e... saan pa ba magbubunga ang manga kundi sa puno ng manga hindi sa puno ng santol d ba?

isang kapitbahay> :) hindi lang pamaypay ang hawak-hawak nya may kililing din syang hawak dahil tunog pa lang nun magsasalita na sya ng mala- aristokratang " LALAKE!"