Sunday, July 26, 2009

SONA o TSONA!

Rason. Sa lahat ng mga masugid na taga subaybay, at sa lahat ng magiging tagasubaybay, nagbabalik ako sa himpapawid. Mas malawak, mas aktibo at walang pakundangang paglalathala ng mga paksa ng buhay. Ang pagbabalik (sa makailang ulit na), GORING 2.0!

SONA! Sa La Islas Filipinas, magaganap ang pagsasama-sama ng mga aktibista at politiko upang kundinahin ang gagawing pagsasapubliko ng Pangulo ng mga pagbabago sa nakaraang taong nagdaan. Sagot ni Goring, TSONA!

SONA - State of the Nation Address

TSONA - Toting Sarcasm on the Nation Address

Kabilang si Goring sa ilang milyong mamayang Pilipino sa pagkundina ng kaharasan at talamak na paglabag sa karapatang pantao.


Thursday, January 8, 2009

Mumunting Gintong Butil

Kasabay ng takip silim ay ang pagsikat ng bagong umaga, ang Bukang Liwayway. Dito umuusbong ang mga bagong pag-asa na animo'y gigintong butil na magbibigay sigla sa liwanag ng buhay.

Ang nagdaang taon ay nagbigay sigla kay Goring kung papano tahakin ang agos ng buhay sa hinaharap. Lungkot, dalamhati, imbot at kasiyahan ang natamasa ngunit hindi pa rin kumukupas ang pag-asang may liwanag sa hinaharap.

Pagbabago. Lahat ay inasam na magbago para sa kabutihan ngunit mangilan-ngilan lamang ang pinalad. Kung minsan nasa diwa natin ang pagbabago ngunit kulang sa gawa. Pakiwari ng ilan ay ibibigay ang kanilang mga inaasam-asam sa buhay. Lahat ng gusto nating baguhin ay may katapat na serbisyo. Dapat natiang tandaan na nasa dalisay ng kalooban kung papano natin makakamit ang tunay na kasiyahan ng pagbabago.

Kasiyahan. Tayo lang ang gumagawa ng sarili nating ikagagalak. Kahit mumunting bagay ay nakapagbibigay ng liwanag sa kalooban kung ating gugustuhin. Marami tayong binalak, maraming inasam ngunit dito nagsisimula ang kalungkutan. Maging masaya sa kung anong meron at huwag maghangad sa kung anong wala.

Sa pagpasok ng taon sa buhay ni Goring may mga mumunting sidhi ng pagbabago. Mga bagay na nagbibigay inspirasyon para sa bagong paglalakbay ng agos ng kapalaran.

Tuesday, January 6, 2009

Kirot ng Kahapon!

Lumipas na naman ang isang taong animo'y kurot at nagbigay pilat sa Barangay ni Goring. Bakas ng hinagpis, kahirapan at lugmok sa damdaming hanggang ngayo'y tila isang masamang panaginip na humahagod sa kailaliman ng ulirat.

Sa lumipas na kahapon, balik-tanawin natin sa huling pagkakataon ang mga ala-alang nagbigay damdam at wari maging daan para sa manigong pagharap sa taong kasalukuyan....

1. Krisis. Ito ay tila naging isang tagak na nakabaon sa dibdib ng mamamayan sa Barangay ni Goring. Krisis sa kabuhayan, sa ipinaglalabang adhikain at tunay na pagkatao.

2. Dalamhati. Sa mga sagupaang naganap sa mga karatig lugar, paghihiwalay ng mga magsing-irog o sa naudlot na pagmamahalan tila ang dalamhati ay mananatiling anino't bakas na diwa lang natin ang makaka-alam kung kelan tayo makaka-alpas.

3. Poot. Kasabay ng dalamhati ay ang takot na harapin ang bukas dahil sa poot na namamahay sa ating puso. Maka-ilang beses na tayong nagtanim ng poot at maka-ilang beses na rin tayong hindi makawala at laging bumabalik sa nakaraan.

4. Imbot. Kelan ba tayo magiging masaya sa kung ano meron tayo. Kelan ba natin pwedeng sabihing may kani-kanya tayong hiwagang dapat tuklasin at bigyang pugay. Imbot sa kapwa, sa relasyon o sa pag-aari.

Sa nananamlay na diwa ng tao, tanging kapayapaan lang ang lunas. Sa pagsikat ng bagong umaga bigyang pugay ang butil ng kabutihan sa ating puso at dito magsisimula ang kasiyahang matagal na nating inaarok.