Monday, December 8, 2008

Unang Araw ng Sityembre!

Sa agos ng isang dalampasigan hindi maikakailang may mabilis at mabagal na pagaspas ng tubig papunta sa hindi malamang direksyon. Maihahambing ito sa buhay ni Goring. TAG-LAGAS kung tawagin ni Goring ang panahong ito na kadalasang nangyayari sa ika-apat na kwartera ng taon.

Sari-saring emosyon, kwento ng buhay at pagninilay-nilay ang nagaganap sa panahong ito. Emosyon sa kung bakit hanggang sa ngayon ay wala pa ring kabiyak si Goring. Kelangan ba ni Goring hanapin ang kanyang kapalaran o hayaan na lang ang tadhana ang sumagot at antayin na lang ni Goring kung may darating pa. Kwento ng buhay na sa tinagal-tagal ni Goring na nangibang baryo, kelangan ba talaga ni Goring mangibang barangay ulit upang hagilapin ang kasiyahang kanyang minimithi?

Maraming magagandang pangyayari ang naganap sa buhay ni Goring sa taong ito. Hindi maitatatwang naging mabunga ang pagkakaibigan na naganap kina Goring, Amalia at Linda. Sari-saring paglalakbay, pagtuklas at pamamayagpag ang naganap sa tatlo. Magkaganunpaman, hangad pa rin ni Goring na sana matamasa nya ang kaligayahang ito sa larangan ng pag-ibig at sa trabaho.

Sipag at tiyaga.... Goring.... Sipag at tiyaga......

2 comments:

Anonymous said...

goring, di mo na kailangang lumipat ng baranggay para maging malagiya. isiping ang kaligayahan ay nasa puso, di ito binibigay ng kahit nino man kundi nagsisimula ito sa loob.

fuchsiaboy said...

ay ay ay!

naku, may nagbabadyang drama sa daku roon.

ako ay mag-aabang!