Sunday, August 3, 2008

SEKS ( Sakim, Erotika, Kisap-mata, at mga Sandali)

SAKIM...

Simula na naman ng isang Sabadong walang katorya-torya. Isang balita mula sa la islas pilipinas ang bumungad kay Goring, MGA REBELDENG MUSLIM BINIGYAN NG SARILING KALAYAAN. Matagal ng nagkakagulo sa kinatimugang bahagi ng la islas pilipinas at dahil ayaw harapin ng batutang gobyerno ang problema minabuti na lang nilang bigyan ng sariling kalayaan ang mga SAKIM at nag-aalsang rebeldeng muslim. Para lang matigil, binigyan ng gobyerno ng sariling estado na kanilang patatakbuhin at upuan sa mga organisasyong kinabibilangan ng la islas pilipinas.

Walang magawa si Goring kundi ang mapabuntong hininga at nawa'y nakikita pa rin nila ang daan sa isang mapayapang solusyon rito.

EROTIKA...

Natapos ang araw ng Sabadong pagod dahil na rin sa kinaelangan ni Goring pumunta ng paaralan dahil sa walang kakwenta-kwentang pagpupulong ng mga katutubo. Kinaumagahan, Linggo, walang magawa si Goring kaya minabuti nyang pasyalan si Amalia. Kasalukuyan namang nagmumuni-muni si Amalia ng kanyang datnan sa tinitirhan kaya hindi pa ito nakakaligo ng datnan niya ng alas-once ng tanghali. Napag-usapan ng dalawa na manood na lang ng sine, ang palabas "Isang Taong Walang Pag-ibig". Isang kwento ng kabaklaan na maririnig mo sa salitang espanyol. Hindi kinaya nina Goring at Amalia ang kwento dahil na rin sa tahasang pananakit habang nagnanaig ang dalawang lalake at sa EROTIKANG kwento nito. Ito ang isa sa madaming paraan nila para magparaos sa tawag ng laman. Pagkatapos ng palabas, inimbetahan ni Goring si Amalia na maglakad-lakad na lang muna sa palengke dahil mahaba pa ang araw. Nag-ikot ikot ang dalawa sa palengke habang dakdakan ng dakdakan sa mga panlalait sa mga dumadaan.

KISAP-MATA...

Dahil na rin sa kapaguran ng paglalakad sa palengke, minabuti ng dalawa na umupo na muna at magpahangin. Sa hindi inaasahang pagkakataon, nakita kong napaKISAP-MATA si Amalia. Nakita namin ang kanyang dating nobyo na hindi na natin pwedeng banggitin ang pangalan dito kasi DATI na yon, wala na sya sa sirkulasyon. Masayahing kausap ang dating nobyo kaya lang may kasama. Ang kasama nya ay ang (basahin mabuti) ang dating nobyo ng nobyo ni Amalia. Masaya ang mga pangyayari dahil nagkita kita ang mga nakaraan at kasalukuyan.

SANDALI...

Ang mga SANDALIng ito ang nakapagbibigay ng kulay sa buhay ng mga tao sa barangay. Minsan mapapansin mo ang kasakiman at kagahaman ng mga taong hindi mo maisip kung ano nga ba ang tunay nilang pinaglalaban. Hindi na bago ito. Naging kultura na ito ng mga nilalang na kelangan nilang bigyan pansin. Sa kabilang banda, hindi mawawala sa tao ang mga paksang may pagka-erotika ang dating. Dito mo makikita ang imahinasyon ng mga nilalang at kung paano nila gawing kasabik-sabik at kung paano rin nila babuyin na dumadating sa kahindik-hindik at nakakatayong-balahibo ang pakikipagtalik. Ang lahat ng ito'y pwede mong masaksihan sa isang kisap-mata, na ang katotohanan at kulay ng buhay ay nasasaksihan!

3 comments:

Anonymous said...

ginoo ko bayot... anong chismis ito???
ginawa mo na namang libangan ang buhay ng mga kaibigan mo. choz! pero i love the attention. i want more. choz!

[G] said...

makulay talaga ang buhay ng mga tao sa barangay nyo, kasing kulay ng mga kumukuti-kutitap na bahay aliwan sa maliit na iskinita ng silom.

at nagkita pa sa pasyalan si amalia at rogelio dela rosa! wala bang naganap na sabunutan?

Anonymous said...

mayumi> :) sino ang mayumi? baka marumi ikamo? magkagayunpaman sige bibigyan ka namin ng atensyon na gusto mo

gibo> :) naman napakakulay talaga ng buhay dito... nagkita nga si amalia at si rogelio kaso kasama ni rogelio ang kulasisi nya kaya sabay buka ang bibig at d malaman ang gagawin ni amalia...may bakas pa talaga ang nakaraan... maganda ang mga pangyayari... nagkita kita ang mga nakaraan at kasalukuyan :))