Lumipas ang matagal na panahon ng pagkakakilala ng magkakapitbahay sa Barangay ni Goring. Lahat sila nagkakilala sa iisang barangay. Si Viola ay sampung taon ng naninirahan sa barangay at may kung ilang taon na rin ang iba. Dayuhan sila sa simula ngunit tinuring nilang parang tahanan na ang lugar. Sa panahon ng kasiyahan, kalungkutan, damayan, inggitan... sila sila pa rin ang magkakasama.
Sa grupo, si Goring, Amalia at Linda ang palaging magkasama sa lakaran, panonood ng sine, pamimili at kung ano ano pang ginagawa ng mga kababaehan pag sabado at linggo. Kung minsan si Goring ang taga kulot ng mahaba at madulas na buhok ni Amalia. Minsan si Goring ang taga ayos o taga komento kung tama ba ang suot na damit ni Linda. Taga linis din si Goring ng kuko sa paa at kamay ng dalawa. Ginagawa ito ni Goring hindi dahil sya ang katulong kundi dahil nakasanayan na.
Sa tatlo si Amalia ang elitista na makamasa. Siya ang namumuno sa lokal na museo sa Barangay. Lumaki sa gilid ng dalampasigan, isang pulitiko ang ama at dakilang maybahay ang ina. Sya ang model sa grupo. Gusto nya palaging nasa rampahan ngunit palaban. Si Linda naman ang biyahera, kung saan saan nagpupunta. Manghuhula kasi at mahilig mangulekta ng mga sulatin tungkol sa mga bituin at araw. Masayahing tao at laging handa sa lahat ng lakaran. Siya ang sikat na tagapayo ng kapalaran ni Imelda, Amalia at ni Goring!
Kung sa trabaho nagsasawa si Goring sa mga kwento ng buhay buhay ng kung sino, iba naman ang tagpo pagkasama nya ang dalawa. Paguusapan nila ang bagong labas o ipapalabas pa lang na sine, maglalakad-lakad sa isang sikat na kapehan sa barangay o hindi naman kaya paguusapan ang mga bagay bagay mula sa kung papano lumabas ang manok sa itlog hanggang sa sino na ang pinakasikat na modelo ngayon sa balat ng lupa.
Ito yong kwentuhang kahit abutin kayo ng bukang-liwayway o takipsilim ng sumunod na araw e hindi ka mababagot. Kasi may laman ang usapan, iba! Pagnagsama na sina Goring, Amalia at Linda, wala nang panama si Darna!
Wednesday, July 9, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
3 comments:
"Ito yong kwentuhang kahit abutin kayo ng bukang-liwayway o takipsilim ng sumunod na araw e hindi ka mababagot." -- naku, mga chismosang magkumare lang kayo. choz!
hahahaha.
(ang galing ni goring!)
Naku, hijwa, puede mo rin kayang bunutin mga puti kong buhok? ang kati-kati na kasi at medyo marami-rami na. Hamo't kukuwentuhan kita ng mga sikreto ng barangay habang ginagawa mo yun. Email mo lang ako, hane?
brian>> gusto mong sumali sa grupo? kelangan naman ng sekretarya hahahah
lola basyang>> pwedeng pwede... bentesingko sentimos kada isang puting buhok ok? yan kc ang bayad ng lolo ko sa akin e... dapat pantay pantay :)
Post a Comment