Maka- ilang araw ng nakalipas ay parating walang pasok sa barangay ni Goring. Kaarawan ng kamahalang ina ng mga katutubo at buong barangay ay sarado sa kalakalan. Minarapat ni Goring na mamahinga lang sa bahay dahil nagtitipid ito at huwag na lang lumabas para maiwasan ang anumang balak bilhin. Hangang sa nakatangap siya ng tawag mula kay Lusing.
Sino si Lusing? Lusing de Maantala ang buo nyang pangalan. Kababayan ni Goring na ang napangawasa ay isang nagngangalang Uncle Bob, isang mangangalakal. Tatlong taon na naninirahan si Lusing sa barangay ngunit kamakailan lang sila nagkakilala ni Goring sa isang pagtitipon. Magmula noon naging bukas na ang palitan ng usapan. Mahilig mag imbeta si Lusing ng kainan sa kanyang Mansyon. Makailang beses na ring naimbetahan sina Goring, Amalia at Linda sa nasabing kainan. Wala namang espesyal na okasyon gusto nya lang magkainan at lagi sya ang taya.
Nang makatangap ng tawag si Goring, sabi ni Lusing gusto daw nya ng inuman. Naimbetahan nya na si Linda hindi malinaw kung pati si Amalia e nasama sa usapan. Nang magkita-kita ang grupo sa mansyon ni Lusing, wala si Amalia. Si Amalia ay kasalukuyang may kinakalantaring lalake kaya hindi nakasama. Inuman ang tatlo sa buong magdamag hangang sa mag-aya si Goring na doon na lang sa Mansyon ni Lusing matulog. Biglang sabi ni Lusing "Huwag tayo dito matulog, doon na lang tayo sa palasyo". Walang tulak kabigin sina Goring at Linda kundi sumunod na lamang dahil na rin sa kahayukan ng dalawa sa alak.
Ang palasyo ni Lusing ay nasa tabi ng ilog. Isang gahiganteng tore na kung makailang palapag at sa umagay matatanaw mo ang silaw ng tubig sa ilog at masasaksihan mo ang takim silim sa hapon. May katulong si Lusing na isang katutubo.
Naisip ni Goring masarap tumira sa palasyo dahil pagising mo ng umaga nakahanda na ang paligo mo sabay kain ng umagahan tapos kililing lang ang katapat ang katulong nasa tabi mo na. Kala ko sa mga palabas ko lang matutuklasan ang mga pagka insulares. Paalala minsan ni Lusing kay Goring, huwag daw inaalala ang katulong kasi kakain daw yan pag gutom. Namimihasa raw pag medyo maaalalahanin ka. Sa puntong iyon, may naalala si Goring. Hindi nagkakalayo ang ugali ni Lusing at ni Dra. Belen sa pagtrato ng katiwala sa bahay.
Si Goring ay may malambot na puso sa mga katulong o hindi kaya katiwala. Pero sabi nga nila, iba iba ang ugali ng tao hindi dapat magkumpara.
Kinabukasan, tanghaling tapat na ng magising ang tatlo. Wala namang pasok dahil nga kaarawan ng ina ng mga katutubo kaya minungkahi ni Lusing na mamalagi na lang sa palasyo at magtampisaw sa ilog, kumain, manood, maglagay ng kung ano-ano sa mukha at mamahinga lang. Walang nagawa sina Goring at Linda kundi sumang-ayon sa suhestiyon. Nang nagdaang gabi pa kwento ng kwento si Lusing ng kung ano-ano at tila kelangan nya ng makakausap.
Araw ng mga tamad! Yan ang nangyari sa tatlo, walang ginawa kundi kumain, magpaganda at mahiga.
Si Lusing ay palamunin at ni walang trabaho. Palaging asa palengke gastos dyan gastos dito. Hindi naman nya nakakakwentuhan ang katulong. Nasambit nya minsan kay Goring " Asa sa akin na ang lahat at wala na akong mahihiling pa". Pero kung iisipin, walang katorya-torya ang buhay ni Lusing. Maaaninag mo sa isang tao kung hangin lang ba ang sinasabi nito o galing ba sa kaibuturan ng kanyang puso. Makikitaan mo ng lamlam sa mga mata si Lusing. Nag ambisyon minsan si Goring ng buhay na tulad ng kay Lusing pero ng makita nya ang sitwasyon, hindi ganitong buhay ang pinangarap ni Goring. Pangarap nyang mamuhay ng may saya, ng may kulay at higit sa lahat kuntento sa kahit anong meron ang buhay.
2 comments:
Siguro mas maige mag-travel na lang si Lusing para malibang sya nang lubos, ano? Pero medyo malungkot nga na naiiwan sya sa palasyo mag-isa. Kakabagot din ang lagi ba lang nagsho-shopping... haay, buti na lang andyan ka Goring. :)
naku pwede ba hindi ko binalak magboluntaryo sa gawad kaling... bata pa ako para sa mga adhikaing ganyan... kasalukuyan pa lang ako nagsasaya sa pagsasayaw ng pandango at pagkanta ng paru-parung bukid....
Post a Comment