Saturday, August 9, 2008

Liham Para sa Ina ni Goring

Sa pagdiriwang ng "Araw ng Mga Ilaw ng Tahanan" na sinabay sa kaarawan ng reyna ng barangay, minabuti ni Goring sumulat sa kanyang ina. Matagal tagal na ring hindi nakapagpapadala ng liham si Goring.

Ito ang liham ni Goring sa kanyang ina.

Minamahal kong Ina,
Pagmulat sa mundo'y
ika'y aking nasilayan,
Unang yakap
aking naramdaman.
Haplos ng iyong mga daliri'y
nagbigay sigla sa isang munting buhay,
Tamis ng iyong ngiti'y
nagbigay ng liwalas sa aking mundong dalisay.
Unang sambit, lahaw ng iyak
iyo'y unang natuklasan,
Unang hakbang, unang yapos
iyo'y nasaksihan.
Umaga'y kay ganda
pag kita'y aking nasisilayan,
Habang yakap-yakap si Itay
na kaakit-akit pagmasdan.
O kay sarap, o kay ganda
ang lingap ng kadakilaan
Salamat sa'yo INAY
na Ilaw ng aming Tahanan.
Laging Nagmamahal,
Goring

1 comment:

Anonymous said...

Ang galing!!!... pinadala mo nga talaga ito sa yong nanay? Sigurado maiiyak sya sa tuwa... isa kang makata Goring. Gift yan, mama mia!