Kasabay ng takip silim ay ang pagsikat ng bagong umaga, ang Bukang Liwayway. Dito umuusbong ang mga bagong pag-asa na animo'y gigintong butil na magbibigay sigla sa liwanag ng buhay.
Ang nagdaang taon ay nagbigay sigla kay Goring kung papano tahakin ang agos ng buhay sa hinaharap. Lungkot, dalamhati, imbot at kasiyahan ang natamasa ngunit hindi pa rin kumukupas ang pag-asang may liwanag sa hinaharap.
Pagbabago. Lahat ay inasam na magbago para sa kabutihan ngunit mangilan-ngilan lamang ang pinalad. Kung minsan nasa diwa natin ang pagbabago ngunit kulang sa gawa. Pakiwari ng ilan ay ibibigay ang kanilang mga inaasam-asam sa buhay. Lahat ng gusto nating baguhin ay may katapat na serbisyo. Dapat natiang tandaan na nasa dalisay ng kalooban kung papano natin makakamit ang tunay na kasiyahan ng pagbabago.
Kasiyahan. Tayo lang ang gumagawa ng sarili nating ikagagalak. Kahit mumunting bagay ay nakapagbibigay ng liwanag sa kalooban kung ating gugustuhin. Marami tayong binalak, maraming inasam ngunit dito nagsisimula ang kalungkutan. Maging masaya sa kung anong meron at huwag maghangad sa kung anong wala.
Sa pagpasok ng taon sa buhay ni Goring may mga mumunting sidhi ng pagbabago. Mga bagay na nagbibigay inspirasyon para sa bagong paglalakbay ng agos ng kapalaran.
Thursday, January 8, 2009
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment