Buwan ng Sityembre ng halos kada linggo na magkasama sina Goring, Amalia at Linda. Pagsasamang pinagtibay ng paglalakbay at kwentuhang samut-sari. Ni minsan ng buwan yon ay hindi nagtagpo ang tatlo at si Imelda.
Naging abala ang biyudang si Imelda sa kanyang bagong tuklas na pag-ibig. Minsan ng naimbetahan si Imelda sa paglalakbay ngunit sa huling sandali ay kinaelangan niyang ikansela sa kadahilanang kinaelangan nyang ayusin ang parte ng kanyang pusong nangungulila. Bilang kaibigan naging bukas naman sa amin iyon, sa magkakaibigan kelangan mong unawain na bawat isa ay may kani-kaniyang pangangailangan lalo pa't hindi na sila bumabata. Pang-unawa, iyan ang nangungunang sangkap sa mapayapang buhay ng magkakaibigan.
Lumipas ang mga araw at buwan, nagkaroon ng kaguluhan sa barangay bumagsak ang ekonomiya ng buong mundo. Sina Goring, Amalia at Linda ay patuloy pa rin sa pakikipagsapalaran. Minsan nakakatangap sila ng tawag at telegrama galing kay Imelda na nagsasaad na nasa mabuti naman siyang kalagayan. Maka-ilang beses na rin namang napagkikita ni Goring si Imelda sa parke at nagkakakumustahan. Hangang doon lang ang komunikasyon ng apat. Nitong mga unang araw ng Nobyembre, biglang nag-aya si Imelda na lumabas. Kasalukuyang nasa pamamasyal si Goring at Amalia habang si Linda ay kasalukuyang nagagansilyo ng kanyang ireregalo sa pamasko.
Kinita ni Imelda si Goring at si Amalia. Laking gulat ng dalawa na nasa pagdadalamhati pala itong si Imelda. Winakasan na nya ang ilang buwang pag-ibig na animo'y parang wala ng wagas. Maka-ilang buntong hininga sina Goring at Amalia sa nasagap na balita.
Maraming akala ang naglaro sa kanilang isipan. Kung titignan mo ang sitwasyon ni Imelda, hindi mo iisiping nasa ganoong sitwasyon sya. Siguro tanggap na nya ang lahat. Meron bang panghihinayang? Iyan ang mahiwagang katanungang sinagot ni Imelda. WALA. Sambit ni Imelda,
"Kinaelangan kong unang mahalin ang sarili ko bago ko makalimutan ang aking pagkatao."
Thursday, December 11, 2008
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment